Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mga sundalo, inisnayp ng BHB-Western Samar
Inisnayp ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) ang mga sundalo ng 87th IB na nagkakampo sa Sityo San Pedro, Barangay Poblacion 3, San Jose de Buan, Samar noong Hunyo 9. Nagtatayo ng bakod sa loob ng sityo ang mga sundalo para sa plano nilang itayong detatsment dito. Napatay sa isnayp ang sundalong […]
Pagsabog ng Bulkang Kanlaon, tinugunan ng BHB-Negros
Kumikilos ngayon ang mga yunit at kumand sa ilalim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros Island (Apolinario Gatmaitan Command) para umagapay at tumulong sa masang Negrosanon na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Pumutok ang bulkan noong Hunyo 3 at nakaranas ng pagragasa ng lahar mula sa bulkan ang mga komunidad sa Central Negros noong Hunyo […]
Araw ng huwad na kalayaan, ginunita sa mga rali
Nagprotesta ang mga grupong pambansa-demokratiko sa loob at labas ng bansa para kundenahin ang nagpapatuloy na neokolonyal na paghahari ng imperyalismong US sa bansa noong Hunyo 12, araw ng huwad na kalayaan ng bansa. Nagmartsa sila tungong embahada ng US sa Roxas Boulevard at nanawagan sa sambayanang Pilipino na ilantad at tutulan ang imperyalismong US […]
Banta sa kalayaan ng Pilipinas ang mga base militar at war games ng US
Sa mga komunidad sa paligid ng mga base militar ng US, o tinaguriang “EDCA site” at mga pinagdausan ng Balikatan 2024, laganap ang kapabayaan, disimpormasyon at panggigipit ng reaksyunaryong gubyerno at militar ng US. Ito ang kongklusyon ng isang fact-finding mission na isinagawa ng Bayan-USA at PINAS Peace mission sa Central Luzon, Ilocos Norte at […]
Hindi kailanman masasaid ang suporta sa rebolusyon ng masa sa Samar
Magsalin-salin man ng henerasyon ng masang magsasaka sa Samar, hindi masasaid ang kanilang suporta sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ito ang mensahe ng rebolusyonaryong masa sa prubinsya nang magkaroon ng pagkakataong muling makasalamuha ang BHB matapos ng ilang panahong pagkaputol ng ugnay. “Pinalaki kaming magkakapatid ng aming mga magulang na mataas ang pagrespeto sa mga […]