Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
(Video) Sa madaling salita
Download
16-anyos na estudyante, pinatay ng militar sa Sultan Kudarat
Binaril at napatay ng 7th IB noong Hunyo 9 sa Sityo Kiluding, Barangay Kiadsam, Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat ang 16-anyos na estudyante na si Eusibio Cranzo, na kilala rin bilang Kuni Cuba. Pauwi siya kasama ang kanyang kapatid at dalawang kaibigan nang mangyari ang pamamaslang. Ayon sa mga ulat, nakasalubong nina Cranzo ang nag-ooperasyong […]
Mga protesta
Protesta kontra-henosidyo sa mga Palestino. Nagprotesta noong Hunyo 8 ang iba’t ibang grupo at sektor sa embahada ng Israel sa Taguig City para batikusin ang Zionistang estado nito sa nagpapatuloy na henosidyo sa mga Palestino. Ginunita nila ang ika-8 buwan, mula Oktubre 7, 2023, ng pag-atake at pambobomba ng Israel, sa suporta ng US, […]
Ang pagyukod ni Marcos Jr sa dikta at patakarang gera ng Estados Unidos ang nagpapalala sa hidwaan ng Pilipinas at China
Ang kahiya-hiyang kainutilan ng Philippine Navy at ng buong Armed Forces of the Philippines sa harap ng malinaw na armadong pakikipagkumpronta ng China ay patunay na mapanganib sa kalayaan ng Pilipinas ang pagyukod ni Marcos Jr sa dikta at panghihimasok ng United States o US. Para sa kaligtasan ng mga Pilipino, maiiwasang humantong sa armadong […]
Pekeng engkwentro sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya
Walang habas na naghulog ng bomba at nagpaputok ang attack helicopter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bayan ng Alfonso Castañeda kaninang 12:30AM hanggang 1:45 AM. Walong beses o higit pa ang ginawang pagbobomba habang sunud-sunod ang pagpapaputok ng dalawang attack helicopter na may kasama pang mga drones. Walang labanan na nangyari. Palabas […]