Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

El Niño, nanalanta sa MIMAROPA
May 31, 2024 |

Dagok sa kabuhayan ng mamamayan ng MIMAROPA ang pangunahing epekto ng matagal na tagtuyot at grabeng init ng El Niño. Iniinda ng mga magsasaka ang pagkasira ng mga pananim pangunahin ng palay. Halos 400,000 indibidwal mula sa higit 81,000 pamilya sa 553 barangay sa MIMAROPA ang itinala ng GRP na biktima ng kalamidad na hatid […]

‘Palayain ang Romblon 4!’
May 31, 2024 |

Muling ipinanawagan ng mga kaanak, kaibigan at demokratikong organisasyon ang kagyat na pagpapalaya kina Marlon Torres, Maria Teresa Dioquino, Benny Hilamon at Nolan Ramos o mas kilala bilang Romblon 4 sa isang press conference sa Commission on Human Rights sa Quezon City noong Mayo 27. Pinangunahan ito ng Free Romblon 4 Network, kalahok ang mga […]

Unang taong pagkamartir nina Ka Hunter at Ka Mamay, ginunita
May 31, 2024 |

Iginawad ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-BHB Mindoro ang pinakamataas na Pulang saludo sa isang taong anibersaryo ng pagkamartir nina Arc John “Ka Hunter” Varon at Nancy “Ka Mamay” Looy Yaw-an na namartir sa depensibang labanan noong Mayo 30, 2023 sa Brgy. Malisbong, Sablayan, Occidental Mindoro. Ayon kay Madaay Gasic, tagapagsalita ng LdGC, “Isang taon […]

“Libreng” wifi sa Rodriguez, Rizal, para sa sarbeylans, hindi serbisyong publiko
May 31, 2024 |

Nangangamba ang mga residente ng Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal sa ikinabit ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na “libreng wifi”. Nalantad ang nagbabalat-kayong serbisyo bilang sarbeylans sa mismong patawag ng NCIP sa mga residente ng Barangay San Rafael noong Mayo 24. Sa talumpati ng tauhan ng NCIP, inengganyo nito ang mga residente na […]

Pasismo laban sa isang kabataang lider at mga estudyante, kinundena
May 31, 2024 |

Mahigpit na kinukundena ng mamamayan ng TK ang panghaharas at pananakot ng mga pwersa ng reaksyunaryong estado sa isang kabataang aktibista sa Cavite at sa mga estudyante sa mga hayskul sa Rizal nitong Mayo. Cavite. Pinag-iinitan ng NTF-ELCAC ang aktibistang si Paolo Tarra, isang lider estudyante sa De La Salle University – Dasmarinas (DLSU-D) at […]