Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

(Video) Ang Bayan October 7, 2023 Headlines
October 07, 2023

Click here to download.

Tunay na reporma sa lupa at pambansa-demokratikong rebolusyon
October 07, 2023

Libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang nagbubungkal ng lupa o tunay na reporma sa lupa ang pinakasaligang solusyon, hindi lamang sa kasalukuyang kinakaharap na krisis sa pagkain at agrikultura, kundi pati sa pangkalahatang problema ng pagkalugmok ng ekonomya ng sistemang malakolonyal at malapyudal sa Pilipinas. Ngayon, higit kailanman, lalong mahalaga at kagyat ang pangangailangang […]

Usura: Pangingikil sa kanayunan
October 07, 2023

Halos lahat ng maliliit at panggitnang magsasaka ay nangungutang para tustusan ang kanilang gastos sa produksyon. Ito ay dahil kulang na kulang ang kanilang kapital para tustusan ang lumalaking gastos sa mamahaling imported na input sa produksyon. Wala namang subsidyo ang estado para sa produksyong pang-agrikultura sa Pilipinas (hindi katulad sa Vietnam). Karamihan ng mga […]

#ML51: Pagkilos laban sa tumitinding pasismo ng anak ng diktador
October 07, 2023

Ginunita ng libu-libong Pilipino noong Setyembre 21 ang ika-51 anibersaryo ng pagdedeklara ng batas militar sa harap ng tumitinding pasismo at korapsyon ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr. Inilunsad ng mga progresibong grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan ang demonstrasyon sa Maynila kasabay ng mga pagkilos sa siyam na prubinsya at walong bansa sa […]

Mga armadong aksyon, inilunsad ng BHB sa 5 prubinsya
October 07, 2023

Anim na armadong aksyon ang inilunsad ng mga Pulang mandirigma ayon sa ulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa nagdaang mga linggo. Kabilang sa mga armadong aksyong ito ang pagpapatupad ng patakaran ng rebolusyonaryong kilusan sa pagtatanggol sa kalikasan. Sa Quezon, isang sundalo ng 80th IB ang napatay at dalawa ang nasugatan sa armadong aksyon […]