Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Sona ng Bayan: Walang bago sa Pilipinas
Nagprotesta sa iba’t ibang syudad sa Pilipinas ang humigit-kumulang 12,000 noong Hulyo 24 para ilahad ang tunay na kalagayan ng sambayanan, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, 10,000 ang mga lumahok sa isinagawang kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City simula umaga hanggang […]
AFP: Lintang pabundat nang pabundat
Dambuhalang ₱170 bilyon ang ilalaan ng rehimeng Marcos sa susunod na taon para sa pensyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang unipormadong tauhan ng reaksyunaryong estado. Sa gayon, nananatiling buladas lamang ang repormang pensyon na itinutulak nito para ampatin ang “pagdurugo” na idinudulot nito sa pambansang pondo. Katunayan, balak ng estado […]
Basura ang alok na amnestiya ni Marcos Jr
Itinakwil ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ang balak ni Ferdinand Marcos Jr na magdeklara ng amnestiya para sa lahat ng magsusuko ng rebolusyonaryong armadong adhikain ng sambayanang Pilipino. Inianunsyo niya ang planong ito sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 24. Nasa unahan ng kahibangang ito ang National […]
Sa madaling salita
NLUA: Pagpapalawak ng maibebentang lupa
Muling itinulak ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang nagdaang State of the Nation Address ang National Land Use Act (NLUA) bilang prayoridad na panukala ng kanyang rehimen. Sa ilalim ng panukalang ito, rerepasuhin ang paggamit ng lupa para diumano sa kumprehensibong pagpapaunlad nito. Kokonsolidahin nito ang klasipikasyon ng mga lupa sa sumusunod: protektadong lupa, mga […]