Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
(Audio) Makibaka at bawiin ang mga karapatang pang-ekonomya at panlipunan
Download here.
(Video) Ang Bayan August 7, 2023 Headlines
Download video here.
Sabayang tumaas: Langis, LPG, pamasahe, toll fee at bigas
Sabay-sabay na itinaas ng pribadong mga kumpanya sa yutilidad ang presyo ng batayang mga produkto at serbisyo sa unang mga araw pa lamang ng Agosto. Pinatingkad nito ang kainutilan ng rehimeng Marcos na ibaba ang presyo at singil. Malinaw na koordinadong itinaas ng mga kumpanya ang presyo ng mga produktong langis noong Agosto 1. Pang-apat […]
Pulis at sundalo, pinatamaan ng BHB-Central Negros
Dalawang opensibang aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros laban sa mga sundalo ng 62nd IB sa nagdaang dalawang linggo. Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa yunit ng 62nd IB na nakahimpil sa detatsment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma noong Hulyo 30. Layunin […]
CNL-Negros, naglunsad ng Kongreso
Nagtipun-tipon ang mga rebolusyonaryong pari, pastor, relihiyosong lalaki at babae at mga laykong taong-simbahan sa isla ng Negros kamakailan para idaos ang ikalawang kongreso ng balangay ng Christians for National Liberation sa isla. Binuo ng kongreso ang taktikal na plano ng CNL sa rehiyon at inihalal si Ericson Buglas bilang tagapangulo nito. Pinagtibay ng Kongreso […]