Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Magsasaka sa Bulusan, Sorsogon, dinahas
Iligal na pinasok ang tahanan ni Aileen G. Estiller, isang magsasaka, ng di kukulangin sa 12 kalalakihan na may dalang HPR noong Abril 6 ng gabi sa Sityo Kaloko, Brgy. Sta. Barbara, Bulusan. Hinalughog at ninakaw ang kanyang mga alagang pato, manok, kuneho, ibon, mga itlog ng manok at sundang na gamit nya sa paghahanap-buhay. […]
Hindi magpapatinag ang masang Masbatenyo sa maruming taktika ng AFP-PNP-CAFGU na pagbaling sa di-armadong populasyon
Sa tuwing mabibigo sa kanilang operasyon o maambus ng Hukbo, nakagawian na ng 2nd Infantry Battalion – Phil. Army at Philippine National Police – Masbate na maghiganti sa pamamagitan ng pagbaling sa mga sibilyan. Noong Marso 25, 2023 alas-6 ng umaga, ninakaw ang selpon at iligal na hinalughog ng militar at pulis ang bahay nina […]
PNP intel, napatay sa ambus ng NPA
Tinambangan ng mga Pulang mandirigma at agad na napatay si P/SSgt. Abel Sevilla sa Sityo Agna, Homapon, Legazpi City alas-6:20 ng umaga ngayong araw, Abril 5. Nasamsam sa kanya ang isang pistolang 9 mm. Si Sevilla ay intelligence officer ng reaksyunaryong pulisya na nakabase sa City Police Assistance Center sa Barangay Taysan ng naturang syudad. […]
Tutulan at labanan ang pagtatayo ng base militar ng US sa Balabac!
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang nakatakdang pagtatayo ng base militar sa isla ng Balabac, isa sa apat na bagong base militar ng imperyalismong US sa pinalawak na kasunduan sa depensa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Inianunsyo kahapon ni Carlito Galvez Jr, kalihim ng Department of National Defense (DND) ang […]
Panagutin ang AFP-PNP sa pasistang terorismog krimen nito laban sa mga mamamayan ng Balbalan!
Mag-iisang buwan na matapos ang malagim na araw kung saan walang-patumanggang naghulog ng 10 bomba ang mga fighter jets at drones ng AFP-PNP sa sibilyang komunidad ng Barangay Gawaan, Kalinga, pero hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang militarisasyon dito at sa mga kanugnog na baryo sa bayan ng Balbalan. Matatandaang matapos ang nasabing insidente […]