Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Hatid ni Marcos ay kahirapan, kaya ang bayan dapat lumaban
August 07, 2022

Nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan si Ferdinand Marcos Jr sa pagdurusa at mga hinaing ng taumbayan nang ideklara niya sa harap ng kongreso na “sound” o malusog ang kalagayan ng bansa. Ang totoo, sa loob pa lamang ng isang buwan niya sa poder, lalo pang nalugmok sa hirap at krisis ang sambayanan. Pantasya ang mga binitiwan niyang […]

5 inaresto sa loob ng 2 linggo
August 07, 2022

Limang aktibista ang sunud-sunod na inaresto ng mga pwersa ng estado nitong nakaraang mga linggo. Dinakip ng magkasanib na pwersa ng militar at pulis si Marites Pielago, koordineytor ng Makabayan sa Bicol at dating nominado ng Bayan Muna noong Hulyo 28 sa gawa-gawang kasong pagpaslang at bigong pagpaslang. Dinumog ng mga pwersa ng estado ang […]

Buntis, 2 bata at 3 magsasaka, pinaslang ng militar
August 07, 2022

Sunud-sunod ang mga kaso ng walang-patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nagdaang mga linggo. Pinalalabas ng mga sundalo na napaslang ang mga biktima sa mga engkwentro at na kasapi ang mga ito ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Napaslang sa pamamaril ng 62nd IB ang 5-buwang buntis na si […]

Mga protesta
August 07, 2022

Kampanyang #ML50, inilunsad. Inilunsad noong Hulyo 21 sa Quezon City Sports Club ang kampanyang ML50 (Martial Law 50) bilang paggunita sa ika-50 taon ng madidilim na araw ng batas militar sa ilalim ng diktadurang US-Marcos I. Pinangunahan ang aktibidad ng mga biktima ng batas militar, beterano at bagong aktibista, kasama ang mga demokratikong organisasyon. Layon […]

Libu-libo, dumalo sa rali kontra-SONA ni Marcos
August 07, 2022

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), umabot sa 8,000 katao ang nagmartsa noong Hulyo 25 sa kahabaan ng Commonwealth Ave. sa Quezon City upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng bayan kasabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. Bago nito, walang batayang ipinagbawal ng Philippine National Police ang […]