Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pagbabalik-tanaw sa pang-aagaw ng lupang ninuno sa Far South Mindanao
August 07, 2022

Ang Agosto 9 ay Internasyunal na Araw ng Katutubong Mamamayan, ayon sa United Nations. Ginugunita ang araw na ito ng mga pambansang minorya sa Pilipinas na walang awat na nakikipaglaban para sa kanilang lupa at mga karapatan. Kabilang sa mga ito ang Lumad sa malayong timog Mindanao na dumanas ng deka-dekadang pang-aatake, laluna sa ilalim […]

Kasuklam-suklam na tubo ng mga kumpanya ng langis
August 07, 2022

Ipinagyabang noong Agosto 1 ng Petron na lumobo ang kita ng kumpanya tungong ₱7.7 bilyon ($138.9 milyon) sa unang hati ng 2022 o doble kumpara sa ₱3.87 bilyon (o $69.8 milyon) na kita nito sa unang hati ng 2021. Pinalalabas ng mga lokal na kumpanya sa langis na ang halos lingguhang pagtaas sa presyo ng […]

Linggo ng Pag-alala sa mga Martir, inilunsad ng CPI (Maoist)
August 07, 2022

Pinarangalan at inalala ng Communist Party of India (Maoist) ang mga martir ng rebolusyong Indian mula Hulyo 28 hanggang Agosto 3, Linggo ng Pag-alala sa mga Martir. Pinagpugayan nila ang umaabot sa 124 Indian na namartir habang nagpapatupad ng kani-kanilang rebolusyonaryong tungkulin sa nagdaang taon at kanilang mga dakilang lider tulad nina Charu Majumdar (namatay […]

Mga rider sa Davao, gwardya ng UP, nagkamit ng mga tagumpay
August 07, 2022

Dalawang samahan ng mga kontraktwal na manggagawa ang magkasunod na nagkamit ng mga tagumpay noong nakaraang linggo. Sa Davao, iniutos ng National Labor Relations Commission na bayaran ng Foodpanda Philippines Incorporated ng ₱2 milyon ang pitong manggagawang iligal nitong tinanggal bilang mga delivery rider noong nakaraang taon. Ang Foodpanda ay kumpanyang nagdedeliber ng pagkain. Kabilang […]

Berdugong 59th IBPA, panagutin sa mga krimen sa Batangas
August 06, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Dumanak na naman ang dugo ng mga sibilyan sa kamay ng pasistang 59th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) na patuloy na naghahasik ng karahasan at disimpormasyon sa Batangas. Pinakahuling biktima ng mga pasista si Maximino Digno, 50, na pinatay sa kanyang sinasakang lupa sa Brgy. Cahil, Calaca noong Hulyo 26. Walang kahihiyan pang […]