Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mapanirang mga proyektong reklamasyon, pamana ni Duterte kay Marcos
Sa unang mga araw sa poder, pakitang-taong hinarang ni Ferdinand Marcos Jr ang panukala ng pagtatayo ng sonang pang-ekonomya sa Bulacan kung saan ilalatag ang dambuhalang proyektong Aerotropolis ng San Miguel Corporation (SMC). Aniya, disbentahe ang kontrata nito sa estado. Sa aktwal, muli lamang niyang isasalang sa negosasyon ang proyekto para siya naman ang makinabang […]
Mga hamon sa pagiging lesbyanang Pulang mandirigma
Nang tanungin ano ang pinakamaganda niyang karanasan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB), napapangiting ibinahagi ni Ka Nica ang minsang pakikipagsayaw niya sa isang babae sa harap ng mga kasama at masang magsasaka. Malaking bagay iyon, aniya, dahil unang beses niyang naramdamang nakalitaw siya hindi lamang bilang Pulang mandirigma, kundi bilang isang lesbyana sa hukbong bayan […]
Ang panlolokong Coco Levy Fund
Pumutok simula huling bahagi ng dekada 1970 ang malawakang mga protesta ng mga magsasaka dahil sa panlolokong coco levy fund ng diktadurang US-Marcos I. Sa layong pakalmahin ang kanilang militanteng pagbangon, nagpalabas ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr ng kautusan noong Setyembre 17, 1980 para isuspinde ang pangungulekta ng naturang buwis. Hindi nito napakalma […]
Presidente ng Sri Lanka, pinatalsik ng dambuhalang protesta
Daan-daan libong galit na mamamayan ang sumugod at kumubkob sa palasyo ni President Gotabaya Rajapaksa sa Colombo, kabisera ng Sri Lanka noong Hulyo 9. Ang pagdumog sa palasyo ay rurok ng apat na buwang mga pagkilos ng mga Sri Lankan sa harap ng napakatinding krisis sa ekonomya, kagutuman at kahirapan. Napilitang lumayas sa palasyo si […]
Pandaigdigang krisis sa pagkain, pinalala ng mga sangsyon ng US sa Russia
Bago pa man sumiklab ang gera sa Ukraine, namimintog na ang isang krisis sa pagkain sa mundo dulot ng problema sa kalakalan sa panahon ng pandemya, masasamang epekto ng climate change at pagsirit ng presyo ng langis at natural gas. Ang pandaigdigang krisis na ito ay lalong pinalubha at itinulak sa bingit ng mga sangsyon […]