Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Patuloy na igiit at ipaglaban ang pambansang soberanya sa WPS sa ilalim ng rehimeng Marcos II!
Nananawagan ang NDFP-ST sa malawak na sambayanang Pilipino na patuloy na igiit at ipaglaban ang soberanong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Walang maaasahan ang mamamayan sa kasalukuyang tuta at taksil na rehimeng US-Marcos II. Tulad ng kanyang ama at sinundang rehimeng Duterte, asahang ibebenta rin ni Marcos Jr. ang soberanya ng bansa sa […]
Labanan ang Terorismo ng Estado, Magpunyagi sa Matagalang Digmang Bayan
Ngayong Hulyo 4 imamarka ang ikalawang taon ng pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law of 2020 (ATL). Ito rin ang huling dalawang taon sa poder ng diktador at tiranong si Duterte nang ipahayag na dudurugin niya ang CPP-NPA-NDFP. Sa huling dalawang taon, binalot ng pasistang lagim ang buong bansa na nagdulot ng lansakang paglabag sa mga demokratikong […]
Labanan ang terorismo ng AFP-PNP sa Mindoro
Mariing kinukondena ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang pang-aatake ng pasistang 203rd Brigade sa mamamayan ng Mindoro sa ilalim ng anti-komunistang gera ng NTF-ELCAC. Nakagagalit ang walang pusong pagbabaling nito ng gera sa mamamayan sa gitna ng walang kaparis na kahirapang dinaranas ngayon sa bansa. Nitong Hulyo 3, naiulat ang pang-aatake ng pinagsamang […]
Kaligtasan sa paggawa, ipaglaban! Papanagutin ang kapitalista at estado sa labis na kapabayaan sa uring manggagawa!
Serye ng mga aksidente na ang nagaganap sa mga pagawaan sa Pilipinas dahil sa kapabayaan ng mga kapitalista at reaksyunaryong gubyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa. Noong Hulyo 12 lamang, anim na manggagawa ang namatay habang dalawa ang sugatan sa isang aksidente sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, Cavite. Bunsod ng malakas na […]
Bakit gusto ng NTF-Elcac ang "lokalisadong usapang kapayapaan" at bakit ito dapat tutulan
Siyempre irerekomenda ng NTF-Elcac ang “lokalisadong usapang kapayapaan” dahil malaking bahagi ng kanilang pondo (ang tinatawag na “barangay development program”) ay nakasalalay dito. Wala namang nagulat. Dala ang militaristang pananaw na tulad ng sa mga upisyal ng rehimeng Duterte, ang mga upisyal ng NTF-Elcac sa ilalim ni Marcos ay nakatakdang isulong ang parehong palpak na […]