Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang Bayan | June 7, 2022
Ang Bayan (“The People”) is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.
Paniniil at panlilinlang ang magiging sangkap ng paghaharing Marcos II
Hindi pa man ganap na nakauupo si Ferdinand Marcos Jr. sa ninakaw niyang trono, nakasungaw na ang balaraw ng pasistang paniniil at panlilinlang, pangitain ng kadilimang haharapin ng sambayanang Pilipino sa darating na anim na taon. Sa nagdaang ilang linggo, sunud-sunod ang banta at hakbanging sumasagasa sa demokratikong karapatan ng mamamayan na magpahayag at sama-samang […]
Pamilyang Marcos, ganap nang nakapanumbalik sa poder
Ganap nang nakapanumbalik sa poder ang mga Marcos nang iproklama si Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 presidente ng reaksyunaryong gubyerno ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 25. Kasabay nito, napalawig din ng mga Duterte ang kanilang paghahari sa pagkapanalo ni Sara Duterte bilang bise presidente. Animo’y ipinamukha ng mga Marcos sa sambayanan ang kanilang pagbawi ng […]
Daan-daang pamilya sa Maguindanao, Lanao at Ifugao, lumikas dahil sa pambobomba at militarisasyon
Lumikas ang daan-daang pamilya sa mga bayan sa Maguindanao, Lanao del Sur at Ifugao matapos ang serye ng pambobomba at militarisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mga komunidad noong Mayo 23. Mahigit 600 pamilya sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao ang napilitang lumikas kasunod ng pambobomba ng AFP sa Barangay Ganta. […]
Kakarampot na dagdag sahod, ibibigay sa manggagawa
Matapos ang ilang taon, dinagdagan nang katiting ng rehimeng Duterte ang sahod ng mga manggagawa sa bansa. Nagtaas ng sahod ang karamihan ng mga rehiyon nang ₱15 hanggang ₱110. Ipatutupad ang mga dagdag-sahod sa dalawa hanggang tatlong bigayan sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon. Magsisimula ang kalakhan ng mga pagtaas ngayong Hunyo. Sa kabilang […]