Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
37th IB, inambus ng BHB-Sultan Kudarat
Tinambangan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang mga sundalo ng 37th IB na bumabaybay sa haywey malapit sa Sityo Babangkaw, Barangay Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat noong Mayo 31. Limang sundalo ang napatay at pito ang nasugatan. Dulot nito, naantala ang isasagawang operasyong kombat ng 37th IB sa bayan ng Palimbang. Ikinagalak […]
Mga protesta sa South Cotabato laban sa open-pit mining, umiigting
Sa harap ng sunud-sunod na protestang inilunsad ng mga residente ng South Cotabato, binaligtad ni Gov. Reynaldo Tamayo Jr. noong Hunyo 3 ang unang resolusyon ng sangguniang panlalawigan na pahintulutang bumalik ang mapanirang open-pit mining sa prubinsya. Sa kanyang pahayag sa sumunod na araw, sinabi niyang minadali ang desisyon at mayroong kwestyunableng mga probisyon ang resolusyon. Walang […]
Mga protesta
Boykot ng mga manggagawa sa Bicol Steel Trading. Nagtipon ang mga empleyado ng Bicol Steel Tower Trading Corporation sa Diversion Road, Naga City noong Mayo 30-31 upang batikusin ang hindi patas na mga patakaran at barat na pagpapasahod ng kumpanya. Nagbebenta ang kumpanya ng bakal na pangkonstruksyon. #NeverAgain sa Cebu at Iloilo. Noong Mayo 21, […]
Sa madaling salita
Lumalangoy sa dagat ng tubo ang mga Villar
Ibinuhos ng umaabot sa 60,000 kabahayan at negosyo sa Angeles City mula noong Mayo 14 ang kanilang galit sa palpak na serbisyo sa tubig ng PrimeWater Infrastructure Corporation na pagmamay-ari ng bilyunaryong si Manny Villar. Mahigit isang linggong nagdusa ang mga residente ng 22 sa 33 barangay ng naturang syudad sa kawalan ng tubig sa […]