Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pagpupugay kila Ka Arking at Ka Bitri, mga magigiting na anak ng bayan!
May 13, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad ng Celso Minguez Command at buong rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon kila Ka Arking at Ka Bitri na nag-alay ng kanilang talino, talento, husay at puso para sa sambayanan. Nasawi sa labanan si Ka Arking nitong Marso 10, 2022, sa edad na 30 at si Ka Bitri nitong Abril 13, 2022. […]

Itakwil at labanan ang ilehitimong rehimeng Marcos II
May 13, 2022 | Communist Party of the Philippines |

Isa sa pinakagarapal na pag-agaw sa kapangyarihan nitong nagdaang kasaysayan sa Pilipinas, ninakaw ng pangkating Marcos-Duterte ang pambansang eleksyon noong Mayo 9 sa pamamagitan ng pagdaya sa dekompyuter na sistema sa eleksyon (automated election system), pagbili ng boto, armadong pamimilit, sistematikong disimpormasyon, manipulasyon sa kaisipan, pampulitikang panlilinlang at pagbaluktok sa kasaysayan.

Kabulukan ng reaksyunaryong eleksyon, ilantad! Rebolusyon ang solusyon! Kababaihan, sumapi sa Makibaka at sa Bagong Hukbong Bayan!
May 12, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) |

Napatunayan sa katatapos na reaksyunaryong eleksyon kung paanong ninakawan ng boto ang mamamayang Pilipino. Ang kanilang boto, na para sa masang anakpawis ay kapangyarihan nila para baguhin ang kinasasadlakang kahirapan. Bukod sa automatic dayaan ng smartmatic , pre-programmed na rin ang buong paghahanda sa eleksyon. Mula sa mga Comelec appointees ni Duterte, sa malaganap na […]

Ninanakaw ni Duterte at Marcos ang eleksyon
May 10, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Kasabwat ang mga tauhan ng tirano sa Commission on Elections (Comelec), harap-harapang ninanakaw ng mga Marcos at Duterte ang eleksyong 2022 sa mamamayang Pilipino. Walang-hiyan ang pandaraya sa dekompyuter na elekyon at “unofficial quick count” ng Comelec na isinusubo sa midya, para panatilihin ang anim na taong tiraniya ni Duterte at ibalik sa kapangyarihan ang […]

Mga biktima ng tanim baril-granada ng AFP at PNP umabot na sa 12 sa Sorsogon
May 10, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariin naming kinukundena ang serye ng pagtatanim ng baril at bomba/granada modus at ang pagbibintang na NPA o MB na ginagawa ng PNP at AFP laban sa mga sibilyan sa probinsya ng Sorsogon. Sinisira ng pakanang ito ang buhay ng mamamayang walang kalaban-laban. Mula 2021 ay umabot na sa 24 na sibilyan ang walang pakundangang […]