Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ginintuang isyu ng Ulos, lumabas na
May 07, 2022

Lumabas na ang ginintuang isyu ng Ulos (Disyembre 2018 at Marso 2019), ang pangkulturang dyornal ng pambansa-demokratikong kilusan sa pangangasiwa ng ARMAS (Artista at Manunulat ng Sambayanan) sa pamamatnubay ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo). Malugod na ihinahandog ng ARMAS ang antolohiyang ito sa ika-50 anibersaryo ng dakilang partido ng uring proletaryado at ng pangunahing […]

Magkakasunod na armadong aksyon, inilunsad sa Surigao at Agusan
May 07, 2022

Limang armadong aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northeastern Mindanao Region sa nagdaang mga linggo. Pinaralisa ng BHB-Surigao del Norte ang dump truck at payloader ng isang kumpanyang kwari sa Magtiaco River, Barangay San Pedro, Alegria, Surigao del Norte noong Abril 19. Tinatayang ₱5.7 milyon ang halaga ng pinsala. […]

Mayo Uno 2022: Katiyakan sa paggawa, dagdag sahod at karapatang mag-unyon
May 07, 2022

Dala ang mga panawagan para sa nakabubuhay na sahod, katiyakan sa paggawa, benepisyo at karapatan sa pagawaan, nagmartsa ang milyun-milyong manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo upang gunitain ang Araw ng Paggawa noong Mayo 1. Para sa mga manggagawang Pilipino, dapat nang ipatupad ang ₱750 pambansang arawang minimum na sahod laluna sa harap ng […]

Magkano ang pwesto sa gubyerno?
May 07, 2022

Sa nakaraan, lagi’t laging bumubuhos ang pondo tuwing panahon ng eleksyon. Sa pananaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism, napag-alaman nitong gumasta ng kabuuang ₱1.91 bilyon ang mga tumakbo sa pagkapresidente noong 2016. Ang mga ito ay sina Sen. Grace Poe na gumasta ng ₱510.8 milyon, dating Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II (₱487.3 milyon), […]

Palayain si De Lima at lahat ng bilanggong pulitikal
May 07, 2022

Nanawagan ang mga grupong nagtatanggol sa karapatang-tao para sa kagyat na pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima makaraang bawiin ng dalawang susing saksi na sina Roland “Kerwin” Espinosa at Rafael Ragos ang kanilang mga testimonyang nagdadawit sa senador sa iligal na droga. Nananawagan din silang palayain ang katulad niyang di makatarungang nakabilanggo dulot ng gawa-gawang […]