Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
2 sibilyan, pinatay ng nag-amok na mga sundalo sa Negros
Dalawang sibilyan ang pinatay ng mga sundalong naghuramentado matapos silang mabigwasan ng isang yunit ng hukbong bayan sa Himamaylan City, Negros Occidental. Dinukot at pinatay ng mga ito ang magkapatid na magsasakang sina Jayson at Arnulfo Sabanal, mga residente ng Sityo Maliko-liko, Barangay Carabalan, noong Marso 25. Pinalabas silang mga Pulang mandirigmang napatay sa labanan. […]
Hinihintay kayo ng masa at ng digmang bayan
Malaki ang maiaambag ng kabataan, laluna ang kabataang intelektwal, sa pagsulong ng digmang bayan, ayon kay Ka Amihan Guerrero, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur. Isa si Ka Amihan sa mga Pulang mandirigma na nagpadala ng liham para sa mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) sa okasyon ng ika-53 anibersaryo ng BHB noong […]
Kaso laban kay Doc Naty, ibinasura dahil di dumaan sa nararapat na proseso
Ibinasura noong Marso 30 ng Bayugan City Regional Trial Court ang gawa-gawang kaso ng kidnapping at illegal detention laban kay Dra. Natividad Castro, kilala bilang Doc Naty. Ayon sa korte, nilabag ng mga pulis ang karapatan ni Doc Naty sa nararapat na proseso at walang hurisdiksyon ang mga pulis sa kanya. Bunsod nito, pinalaya siya […]
Mga protesta
Unyon ng mga elektrisyan. Bumoto noong Abril 3 ang mga manggagawa ng Hypervolt Contractor Corporation sa isinagawang certification election pabor sa Hypervolt Workers Union bilang lehitimong unyon na kakatawan sa kanila sa pakikipagnegosasyon sa maneydsment. Ang Hypervolt ay isang kumpanya na naglalatag ng mga electrical wiring at mga imprastruktura kaugnay nito. Ayuno ng Himamaylan 3. […]
Tripleng pagtataksil ni Duterte sa soberanya ng Pilipinas
Pinirmahan ni Rodrigo Duterte noong Marso 21 ang batas na nag-amyenda sa Public Service Act (PSA o Republic Act 11659) na magpapahintulot sa ibayong pagbubuyangyang ng ekonomya ng Pilipinas sa dayuhang pamumuhunan at kapitalista. Kadugtong ito ng magkakasunod na pag-apruba sa Foreign Investments Act (RA 11647) noong Pebrero at ng Retail Trade Liberalization Act (RA […]