Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Engkwentro sa Norzagaray, Bulacan, kasinungalingan ng 70th IBPA!
April 01, 2022 | New People's Army | Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command) | NPA-Bulacan | Jose del Pilar | Spokesperson |

Pinabubulaanan ng NPA-Bulacan ang kasinungalingan na pinangangalandakan nito na nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng 70th IBPA at ng anumang yunit ng NPA sa Sitio Osboy, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan noong Marso 30. Pawang mga sibilyan na walang kalaban-laban ang pinaputukan ng mga sundalo, taliwas sa ipinahayag ng sinungaling na si Lt. Col. Eugene […]

Wakasan ang iwinawasiwas na impyunidad ni Usec Lorraine Badoy at ng NTF-ELCAC!
April 01, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mahigpit na nakikiisa ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino sa pagkondena kay Usec Lorraine Badoy at NTF-ELCAC sa panibago na namang serye ng paghahasik nito ng mga kasinungalingan at red-tagging laban sa mga progresibong organisasyon at lumalawak na hanay ng mamamayang Pilipino na lumalaban sa tiwali, palpak at tiranikong rehimeng Duterte. Desperado na talaga ang talamakat […]

Duterte, walang kaparis na bentador ng pambansang patrimonya at lubos na nangangayupapa sa among imperyalista
April 01, 2022 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee |

Katawa-tawa ang pinakabagong pahayag ni Duterte na hindi na raw siya pipirma sa mga bagong appointments at hindi na rin siya mag-aapruba ng mga malalaking proyekto. Tama ngang hindi na dahil nitong nakaraang mga linggo ay nagawa na niya ito. Naipuwesto na niya ang dapat maipuwesto at napirmahan na niya ang mga inihabol na mga […]

Kalatas | March 2022
March 31, 2022

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Mabuhay ang mga rebolusyonaryong kababaihan!
March 31, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | Cordillera People's Democratic Front | Kabataang Makabayan – Demokratiko a Tignayan kadagiti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO) | Balangay Ka Elvira |

Ngayong pagtatapos ng Buwan ng mga Kababaihan, pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan — Demokratiko a Tignayan Dagiti Agtutubo iti Kordilyera (DATAKO) balangay ng Ka Elvira ang lahat ng mga kababaihang patuloy na isinusulong ang mga rebolusyonaryong mithiin. Hindi maikakaila na ang Unibersidad ng Pilipinas ay lumilikha ng mga magigiting na rebolusyonaryong mga kababaihan, na tulak ng […]