Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Kundenahin ang pambubomba mula sa ere at lahat ng paglabag sa karapatan ng mga Masbatenyo
Mariing kinukundena ng Jose Rapsing Command BHB-Masbate ang pagpapaulan ng bomba mula sa ere ng mga elemento ng berdugong militar at pulis sa mga komunidad ng masang Masbatenyo. Dalawang beses nang naganap ang ganitong tipo ng atake sa ilalim ng rehimeng US-Duterte – isa noong Agosto 2021 sa pagitan ng Brgy. Bayombon at Biyong sa […]
Ang Bayan | February 21, 2022
Ang Bayan (“The People”) is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.
Gunitain ang pag-aalsang Edsa at magpunyagi sa rebolusyonaryong landas
Espesyal na makabuluhang gunitain sa darating na mga araw ang Pag-aalsang Edsa, sa harap ng pagtatangka ng pamilyang Marcos, kasabwat ng naghaharing pangkating Duterte, na nakawin ang darating na halalan at iluklok ang mga sarili sa kapangyarihan. Tangan ang mga aral ng kasaysayan, dapat matatag na labanan ng sambayanan ang bulok na iskema ng tambalang […]
Tsekpoynt ng BHB, itinayo sa Surigao del Sur
Tumagal ng dalawang oras na hawak ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang isang bahagi ng pambansang haywey sa Surigao del Sur (SDS) noong Pebrero 10. Nagtayo ang mga Pulang mandirigma ng mga tsekpoynt sa kahabaan ng lansangan sa Barangay Mabahin, Cortes habang isinasagawa ang pagdis-arma sa tatlong nagbitiw na mga sundalo sa kanilang bahay sa […]
Pulis, tinambangan ng BHB-Negros
Tinambangan ng BHB-South Central Negros ang mga pulis na bumabaybay sa haywey sa Sityo Candida 2, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental noong Pebrero 13. Dalawang pulis ang nasugatan sa opensiba. Kaugnay nito, pinasinungalingan ng BHB ang disimpormasyon ng mga pulis na tinamaan ng Pulang hukbo ang isang 15-anyos na sibilyan. Ayon sa yunit ng hukbo […]