Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Imperyalistang pang-aapi sa mga magsisibuyas
February 21, 2022

Kilala ang bayan ng Bongabon sa Nueva Ecija bilang Onion Capital of the Philippines dahil dito nagmumula ang pinakamalaking porsyento ng produktong sibuyas sa buong bansa. Tinatawag din itong Onion Basket of Asia. Subalit ang kinikilalang pinakamahuhusay at matitiyagang magsisibuyas ay laging umuuwing luhaan dahil ang kanilang pinagpaguran ay pinakikinabangan lamang ng imperyalistang mga bansa […]

Pagsadsad ng sahod sa panahon ng pandemya
February 21, 2022

Kasabay ng malawakang pagkawala ng mga trabaho ang sadyang pagbagsak sa sahod at pag-atake sa mga karapatan sa paggawa ng mga manggagawang Pilipino. Nailusot ang mga ito ng mga kapitalista, kakutsaba ang Department of Labor and Employment (DOLE),  sa tabing ng “pagsalba ng mga trabaho” sa pagragasa ng pandemyang Covid-19. Sinamantala ng mga ito ang […]

Pang-uudyok at pang-uupat ng gera ng US sa Ukraine
February 21, 2022

Nitong nagdaang mga linggo, ipinaarangkada ng imperyalistang US ang pang-uudyok at pang-uupat sa Ukraine sa hangarin nitong sindihan ang isang armadong tunggalian at gerang proxy sa Russia. Kasabwat ang malalaking midya ng Amerika at ang industriyang militar, pinaypayan nito ang diumano’y banta ng isang “nagbabadyang pananakop” ng Russia sa Ukraine para bigyang-matwid ang lumalaking gastos […]

Kundenahin ang pakana ni Duterte na kontrolin ang COA gamit ang bago nitong hepe
February 20, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Malinaw pa sa sikat ng araw ang maitim na balakin ni Rodrigo Duterte na kontrolin ang Commission on Audit (COA) sa pagtatalaga ng isa niyang matapat na alagad bilang bagong hepe nito. Pinili niya si Rizalina Justol, dati niyang accountant sa Davao City at deputy executive secretary for finance and administration ng Office of the […]

Pitong sibilyan, at hindi NPA, ang binomba ng 5IDPA
February 19, 2022 | New People's Army | Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command) | NPA-Cagayan | Bienvenido Magalat | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng New People’s Army – Cagayan ang walang patumanggang pambobomba mula sa himpapawid ng 5th Infantry Division Philippine Army sa kabundukan ng Sityo Bagsang, Brgy. Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan noong ika-29 ng Enero mula alas 4:30 ng madaling araw hanggang alas 12 ng tanghali na nagresulta sa pagkasawi ng pitong sibilyan. Hindi bababa […]