Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
30 frontliner sa QMC, apektado ng COVID-19
Apektado ng COVID-19 ang halos 30 medical frontliners kabilang ang 17 doktor sa Quezon Medical Center nitong nakaraang mga araw. Ayon kay Dr. Rolando Padre, direktor ng QMC, ang mga naturang mga frontliners ay bakunado at nakatanggap na rin ng mga booster shots. Samantala, nagpaabot ng dagdag paalala si Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng […]
Magsasakang Bikolano, ibasura ang mga neoliberal na mga patakaran! Wakasan ang kahirapan, sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!
Higit pang lumala ang kahirapan para sa maraming Bikolano dahil sa walang patid at mapanirang mga neoliberal na patakaran sa bansa na ipinapatupad ni Rodrigo Duterte. Mula’t sapul ng pag-upo niya sa pwesto, hindi na nakaranas ng kaginhawaan ang mga Bikolano at ang malawak na hanay ng mamamayan. Sa kabila ng kritikal na papel ng lokal na agrikultura sa ekonomya ng bansa, walang ipinatupad na patakarang magbibigay ng higit na suporta sa pag-unlad nito. Bagkus, pinaigting lamang ang walang puknat na pangangamkam ng lupa at pagpalit-gamit nito na nagpalayas sa libu-libong magsasaka.
Para sa mga Doktor, Nars at manggagawang pangkalusugan ng Quezon
Maalab na pagbati! Ipinaabot ng buong rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ang pinakamataas na pagpupugay sa mga doktor, nars at mga manggagawang pangkalusugan na walang sawang iniaalay ang kanilang panahon, kasanayan at buhay sa kabila ng nararanasan nating hirap at sakripisyo sa panahon ng pandemya. Sa muling pagdami ng bilang at kaso ng COVID-19 sa bansa […]
Dakilain ang rebolusyonaryong masa at pagpugayan ang magigiting na pwersa ng Partido at BHB sa Mindanao at buong bansa
Nagpupugay ang Partido Komunista ng Pilipinas sa masang rebolusyonaryo at magigitang na pwersa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga kadre ng Partido sa mga rehiyon ng Mindanao at sa buong bansa sa kanilang pagpupunyagi at bakal na determinasyong ipagtanggol ang interes ng masang api at pinagsasamantalahan, sa harap ng walang-patid at brutal na mga […]
Batikusin ang No Vaccine, No Right patakaran ni Duterte! Karapatan ng mamamayan itaguyod at ipaglaban!
Nananawagan ang NDF-Bikol sa lahat ng mga Bikolano na batikusin at labanan ang tahasang pagkakait ng rehimeng US-Duterte sa kanilang mga karapatan sa tabing ng pandemya. Habang patuloy na binabaka ng taumbayan ang pag-igting ng pagkalat ng Omicron variant ng Covid-19, binabaka rin nila ang ala-Martial law na panunupil at pagsikil ng kanilang mga karapatan […]