Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pagtatanggol ng BHB sa mga T'boli laban sa pambobomba ng AFP
January 11, 2022 | New People's Army | Far South Mindanao Regional Operational Command (Valentin Palamine Command) | Gary Angeles | Spokesperson |

Kinukundena ng Panrehiyong Kumand sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan sa Far South Mindanao ang pambobomba at mga pag-atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa masang Lumad na T’boli sa South Cotabato. Sinasaluduhan namin ang mga yunit ng BHB sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba para ipagtanggol ang kapakanan ng masa. […]

Magpunyagi sa pakikibaka, biguin ang brutal na kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng US-Duterte!
January 11, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Buong tapang at giting na sinasalubong ng mga Pulang mandirigma ng MGC-NPA ST ang bagong taon na determinadong tupdin ang mga tungkulin nitong ibayong isulong ang demokratikong rebolusyong bayan alinsunod sa mensahe ng CPP sa ika-53 anibersaryo nito. Katawa-tawa ang pagyayabang ng AFP chief-of-staff na si Gen. Andres Centino na wawakasan ng mga berdugo ang […]

Kababaihan, magrebolusyon tungo sa higit na paglaya ng sarili, lipunan at daigdig!
January 10, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Binabati ng NDF-Bikol ang kilusang kababaihan sa matagumpay na pagsasabatas ng Anti-Teenage Marriage Law (ATML) ngayong pagpasok ng 2022. Sa gitna ng lumalaking bilang ng hindi napapanahong pag-aasawa at pagsasamantala sa hanay ng menor de edad, isang hakbang ito tungo sa pagbaklas ng pyudal-burgis na kairalang nagtatali sa kababaihan sa papel na pambahay at pangkama. […]

Walang ibang laman ang kukote ng pulpol na si Duterte kundi pagpapahirap sa sambayanan
January 10, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kasabay ng muling pagsirit ng mga kaso ng Covid-19 ang pagtindi ng galit ng mamamayan sa walang silbing rehimeng US-Duterte. Sinalubong ang masa ng pinatinding ala-batas militar na restriksyon at panunupil sa tabing ng pandemya. Ipinag-utos ni Duterte ang pag-aresto, pagpapamulta at pagpataw ng iba pang restriksyon at parusa sa mga wala pang bakuna o […]

Yanigin ng armadong paglaban ang kampanyang huling bigwas ng kaaway sa Bikol sa pamumuno ng NTF-ELCAC red-tagger na si MGen. Alex Luna!
January 10, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Asahan ang lalong mabangis na opensibang militar laban sa sibilyang populasyon sa Kabikulan sa ilalim ni MGen. Alex Luna, bagong pinuno ng 9th IDPA. Si Luna ang dating intelligence chief ng AFP at isa sa mga utak ng kampanyang red-tagging at anti-komunistang propaganda ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Nasibak […]