Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Salubungin ang bagong taon ng puspos ng rebolusyonaryong diwa at ng ibayong determinasyon sa pagharap sa mas maigting na pakikibaka!
December 31, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | Cordillera People's Democratic Front | Katipunan ng mga Samahang Manggagawa-CPDF (Balangay Wilfredo 'Ka Hoben' Aluba) | Kris S. Madayaw | Spokesperson |

Ang taong 2021 para sa masang anakpawis ng Kordilyera ay taon ng nagpapatuloy at tumitinding krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Nagpapatuloy ang kagutuman at kahirapan bunsod ng kawalan ng nakakabuhay na sahod, kawalan ng regular at disenteng trabaho, at kapabayaan sa serbisyong panlipunan. Nagpatuloy ang pagpapatupad ng mga neoliberal na polisiya sa rehiyon […]

Bigo ang 83rd IBPA na magapi ang mamamayan ng Camarines Sur
December 31, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-East Camarines Sur (Tomas Pilapil Command) | Baldomero Archanghel | Spokesperson |

Matagumpay na binigo ng Tomas Pilapil Command ang pagsalakay ng 9th IDPA noong Disyembre 28, 2021 sa Sitio Campo Nueve, Brgy. Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur. Matapos ang humigit kumulang tatlong oras na palitan ng putok, nakasamsam ang mga kasama ng apat na military bags at ligtas na naka-atras mula labanan. Samantala, hindi bababa sa […]

Magpunyagi at makibaka, gapiin si Duterte at ang terorismo ng estado!
December 28, 2021 | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

TAAS-KAMAONG PAGPUPUNYAGI AT PAKIKIISA ANG IPINAAABOT NG KABATAAN MAKABAYAN LAGUNA SA PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS SA KANILANG IKA-LIMANGPU’T TATLONG TAONG ANIBERSARYO! Ang sambayanan at ang Kabataang Makabayan (KM) mula sa Laguna ay nagbubunyi sa walang tigil na pakikibaka ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng mga balangay nito sa iba’t ibang panig ng bansa. […]

Ubos-kayang ilantad at labanan ang Cagayan River Restoration Project ng sabwatang Duterte-Mamba-China!
December 28, 2021 | NDF-Cagayan | Celia Corpuz | Spokesperson |

Pinakamahabang ilog sa buong Pilipinas, hindi maitatangging napakayaman ng Ilog Cagayan sa likas na rekurso partikular ang mga may komersyal na halaga tulad ng buhangin, graba, ginto, at magnetite o black sand. Sa bahaging saklaw ng Cagayan, matatagpuan ang 986,067 kubiko-metro ng buhangin at graba sa lawak na 107 ektarya, at 420 metriko-tonelada ng ginto […]

Labanan ang mapandambong at pag-aari-ng-Tsinang offshore black sand mining sa Cagayan! 
December 27, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Cagayan Valley | NDF-Cagayan | Celia Corpuz | Spokesperson |

Sa kailaliman ng malawak na karagatan sa hilaga ng Cagayan matatagpuan ang napakayamang reserba ng magnetite o black sand. Hindi lamang bakal ang kaya nitong patibayin kundi pati na rin ang mga haligi at pundasyon ng ating mga pambansang industriya. Sa kabila nito, wala sa interes ng papet na gubyerno ang pambansang industriyalisasyon. Sa halip […]