Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Biguin ang sabwatan nila Duterte at Marcos sa halalang 2022
Bagaman may panahon pa bago mapinal ang aktwal na mga kakandidato, nabubuo na ang malagim na larawan ng halalan sa 2022. Sa partikular, matingkad na matingkad na kung papaano itong gagamiting daan para patuloy na makapanatili sa kapangyarihan ang pangkating Duterte at tuluyang makapanumbalik sa Malacañang ang mga Marcos. Isasagawa ang halalang 2022 sa ilalim […]
Mga bagong kandidato ng Makabayan para sa Senado at Kongreso
Pormal na ihinirang ng koalisyong Makabayan sa pambansang kumbensyon nito noong Setyembre 27 sina Atty. Neri Colmenares at unyonistang si Elmer Labog bilang kandidato sa pagkasenador sa halalang 2022. Bago nito, nag-anunsyo noong Setyembre 26 ang mga progresibong partidong Bayan Muna, Anakpawis Partylist, Gabriela Women’s Party, Kabataan Partylist at ACT Teachers Partylist ng kumpletong listahan […]
AUDIO | Editoryal: Biguin ang sabwatan nila Duterte at Marcos sa halalang 2022
Maysakit na mga Pulang mandirigma, tulog nang minasaker
Iniulat ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang tahasang paglapastangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa internasyunal na makataong batas sa pagmasaker sa apat na Pulang mandirigma sa Negros. Dalawang mandirigma naman sa Cordillera ang dinukot at pinahihirapan para “sumurender.” Wala sa katayuang lumaban at natutulog ang apat na Pulang mandirigma […]
Mga opensiba, inilunsad ng BHB-Negros
Naglunsad ng operasyong isnayp ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros laban sa detatsment ng militar sa Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental noong Setyembre 22. Isinagawa ang armadong aksyon bilang pagbibigay hustisya sa masaker sa mga magsasaka sa naturang lugar noong Marso 2019. Isang sundalo ng 62nd IB ang napatay sa armadong aksyon. Inatake ng […]