Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Karapatan sa paninirahan, sasagasaan ng MCRP
Niraratsada ng rehimeng Duterte ang konstruksyon ng kontra-mamamayang Malolos-Clark Railway Project (MCRP) na magpapalayas sa tinatayang 1,416 pamilya sa Pampanga, Tarlac at Bulacan. Ang proyektong ito ay popondohan gamit ang $2.75-bilyong (₱137.5 bilyon) pautang mula sa Japan International Cooperation Agency at Asian Development Bank. Sa nakalipas na 12 buwan, minadali ni Sec. Arthur Tugade ng […]
Mga magsasaka, lugi sa bagsak-presyong palay
Patuloy ang pagkalugmok sa kahirapan ng masang magsasaka ng palay dahil sa pagsasamantalang pyudal, kawalang-suporta sa produksyon, bagsak presyong pagbebenta at todong pag-iimport ng murang bigas. Hirap na hirap ang mga magsasaka dahil sa pagsadsad ng presyo ng palay. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa ₱17.14 hanggang ₱20.87 kada kilo ang presyo ng pagbili […]
Palayain sina Lino Baez at Willy Capareño!
Mariing pinabubulaanan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang bintang ng PNP-Region IV-A (CALABARZON) at 2nd Infantry Division ng Philippine Army (2nd ID-PA) na mga kagawad at matataas na opisyal ng New People’s Army si Ginoong Erlindo Baez at Ginoong Wilfredo Capareño. Hindi kailanman naging mataas na opisyal ni naging kasapi si […]
Kundenahin ang terorismo ng estado ng 501st IBde! Bigyang-pugay ang pitong rebolusyonaryong kabataang martir sa Dungeg!
Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Cagayan (NDFP-Cagayan) ang walang-habas na pambobomba, istraping, at paghahasik ng terorismo ng estado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga baryo ng Dungeg, Mission, at Aridowen sa bayan ng Sta. Teresita, at sa baryo ng Rebecca sa bayan ng Gonzaga, sa probinsya ng Cagayan. Inilulunsad […]
Pinakamasahol ang kalagayan ng karapatang tao sa Bikol sa ilalim ng tiraniya ni Duterte
Nakikiisa ang NDF-Bikol sa mamamayang Bikolano sa mahigpit na pagkundena sa panibago na namang kaso ng pamamaslang ng mersenaryong pwersa ng AFP-PNP sang-ayon sa atas na kill,kill,kill ng punong pasistang si Duterte. Nitong Oktubre 1, 2021, alas-otso ng gabi, napatay sa pamamaril ng mga armadong kalalakihan ang sibilyang si July Barotillo sa loob mismo ng […]