Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Kundenahin ang terorismo ng estado ng 501st IBde! Bigyang-pugay ang pitong rebolusyonaryong kabataang martir sa Dungeg!
Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Cagayan (NDFP-Cagayan) ang walang-habas na pambobomba, istraping, at paghahasik ng terorismo ng estado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga baryo ng Dungeg, Mission, at Aridowen sa bayan ng Sta. Teresita, at sa baryo ng Rebecca sa bayan ng Gonzaga, sa probinsya ng Cagayan. Inilulunsad […]
Pinakamasahol ang kalagayan ng karapatang tao sa Bikol sa ilalim ng tiraniya ni Duterte
Nakikiisa ang NDF-Bikol sa mamamayang Bikolano sa mahigpit na pagkundena sa panibago na namang kaso ng pamamaslang ng mersenaryong pwersa ng AFP-PNP sang-ayon sa atas na kill,kill,kill ng punong pasistang si Duterte. Nitong Oktubre 1, 2021, alas-otso ng gabi, napatay sa pamamaril ng mga armadong kalalakihan ang sibilyang si July Barotillo sa loob mismo ng […]
Tumitindi ang pangangailangang tumangan ng armas at panagutin si Duterte sa di-matatawarang kampanyang pamamaslang ng AFP-PNP-CAFGU sa Kabikulan!
Pinaslang ng mga elemento ng Retooled Community Support Program (RCSP) team ng 9th IDPA si July Barotillo, barangay secretary ng Brgy. Lamon, Goa, Camarines Sur noong Oktubre 1, 2021, bandang 8:00 ng gabi. Ang naturang pamamaslang ay bahagi ng kampanyang pandarahas ng militar at pulis sa rehiyon upang supilin ang lahatang-panig na paglaban ng masang […]
Pagbisita ni Duterte at mga alipures sa mapaminsalang Bicol International Airport, garapalang paglalako ng sarili bilang hari ng neoliberalismo
Hindi pa nga natatapos ang aplikasyon sa kandidatura, para nang sinisilaban ang pangkating Duterte sa pagkakandaugagang ilako ang mga sarili. Hindi pa nasapatan si Duterte sa pag-hijack ng lingguhang Talk to the People para sa sariling adyenda at sa hindi matapus-tapos na pag-iikot ng kanyang mga alipures sa mga rehiyon. Ngayon naman, muli nilang sinusunggaban […]
Agunyas sa mamamayan ng berdugong si Duterte
Mga agunyas – banta ng kamatayan, ang lahat ng deklarasyong lumalabas sa bibig ng berdugong si Duterte. Mga bantang walang mintis niyang ipinatutupad sa pamamagitan ng mga kampanyang kontra-droga, batas tulad ng Anti-Terrorism Act at mga kautusang tulad ng MO32 at EO70. Pinakabagong agunyas ni Duterte ang deklarasyon ng paggamit ng militar para sa nalalapit […]