Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Igalang at ipagtanggol ang karapatan ng mga bata at kabataan! Tuligsain at ibasura ang PNP BIDA!
Nakapangingilabot ang paggamit at pagdawit ng PNP sa mga bata bilang instrumento ng kanilang teroristang karahasan sa mga programang gaya ng BIDA o Batang Iwas Droga Advocates Kontra Pandemya. Sa tabing ng kampanyang kontra-droga, nagsisilbi ang programa sa kontrainsurhensyang pakana ng PNP. Kabilang sa mga aktibidad ng BIDA ang pag-oryentasyon sa mga bata at kanilang […]
Labanan ang pinatinding terorismong inihahasik ng PNP!
Tulad ng asong nag-uulol si PNP Chief Guillermo Eleazar sa pag-atas ng sunud-sunod na mga direktibang walang ibang layunin kundi higit pang maghasik ng teror sa mamamayan. Kamakailan lang ay iniutos niya ang crackdown laban sa mga armadong grupo. Tanda ito ng umiigting na kampanyang kontra-insurhensya ng PNP sa ilalim ng joint AFP-PNP Joint Campain Plan Kapanatagan at NTF-ELCAC.
Walang kapatawaran ang kapabayaan ng rehimeng US-Duterte sa hanay ng maliliit na mangingisda
Malaon nang pinabayaan ang sektor ng maliliit na mangingisda sa bansa. Sa Bikol, bukod sa pag-angkop sa batas ng kalikasan upang makapangisda, patung-patong na mga neoliberal na patakaran ang sumasagka sa kabuhayan ng maliliit na mga mangingisda sa kabila ng likas na yamang handog ng malawak na karagatan. Malinaw na hindi prayoridad ng ganid na […]
Kabataan, labanan ang krisis sa edukasyon, isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!
Kinakain si DepEd Sec. Leonor Briones ng kanyang guni-guni sa pagpahayag na isang tagumpay ang nakaraang SY 2020-2021 dahil sa diumano’y mataas na porsyento ng mga nakatapos na mag-aaral sa harap ng matinding paghihirap nilang makaangkop sa ipinapatupad na blended learning. Pilit nilang linilinlang ang mamamayan sa paglalabas ng minanipulang datos na magpapalabas na tagumpay […]
Katarungan para sa lahat ng mga biktima ng impyunidad ng karahasan at mga pagpaslang ng pasistang rehimeng US-Duterte!
Kabilang ang NDFP-ST sa sambayanang Pilipino sa mga nagagalak at nagpapasalamat sa Pre-Trial Chamber I (PTC-I) ng International Criminal Court (ICC) sa naging desisyon nitong ipailalim sa komprehensibong imbestigasyon si Presidente Rodrigo Roa Duterte ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at iba pa kaugnay sa kanilang mga nagawang krimen laban sa sangkatauhan […]