Duterte's "no more talks" policy is based on lies
1. GRP President Duterte’s declaration that he will no longer hold talks with the NDFP is based on complete lies. He knows that. Alam naman niyang hindi nagnanakaw ang NPA. Ang NPA binibigyan ng masa, kahit hindi humihingi.
On the other hand, hindi kami nagulat sa kanyang declaration. All-out war naman talaga ang policy ni Duterte mula pa 2017. Kahit sa harap ng krisis, ayaw niyang galawin ang badyet niyang pambili ng mga baril, bomba, bala, kanyon, helicopter, drone at mga fighter jets. Gutom na gutom ang mga tao pero gera pa rin ang nasa utak ni Duterte.
However, from the point of view of the Filipino people, Duterte wasted an opportunity to unite the country under a broad humanitarian front to confront the Covid-19 pandemic. Nagsabi naman ang NDFP na handang makipag-usap para magtulung-tulong sa pagharap sa krisis. Ito rin ang hinihingi ng maraming sektor. Pero nagtengang-kawali si Duterte.
2. Duterte knows that the recent incidents of armed clashes between the AFP and NPA are the result of the AFP’s sugod nang sugod policy. Sa mas maraming operations ng AFP, wala talaga silang relief distribution. Mayroon ba namang “relief” operations na kailangan ng aerial bombing, tulad sa Sarangani, Bukidnon, Davao de Oro at Davao del Norte?
Kadalasan press release lang ang sinasabi nilang “securing relief distribution.” Ang totoo, counterinsurgency ang pakay nila. Halimbawa, nang nilusob ng AFP ang kampo ng NPA sa Carabalan, Himamaylan, Negros Occidental noong April 19, sine-secure ba nila ang DSWD na ten kilometers ang layo sa lugar na pagdadausan ng pamamahagi?
3. Duterte’s Covid-19 ceasefire was a fraud. Since March 16, based on our monitoring, the AFP has now deployed troops in more than 400 barangays in 150 towns, with orders to wage total war against NPA units in their areas. Obsessed si Duterte na lumpuhin ang NPA, bagay na mabibigo lang siya. Nagwawaldas siya ng daan-daang milyong piso sa counterinsurgency, na sana ay ginamit niya sa pagpapalakas ng mga public hospitals na pinabayaan niyang mabulok.
4. Duterte’s overall scheme is imposing a fascist dictatorship through a declaration of martial law. Pero kahit pa walang martial law, magagawa (at ginagawa) rin niya ito sa pamamagitan ng pagpapatanggap sa lahat ng mga draconian at repressive measures bilang “new normal.” Sa tabing ng Covid-19, tuluyang pinapatay ni Duterte ang naghihingalong demokrasya, laluna sa mga syudad. Militarista, kulang sa syensya , ang naging paraan ni Duterte sa pagharap sa Covid-19. Gamit ang martial law o emergency powers, lalong lumala ang korapsyon at tumubo ang malalaking kapitalistang kasosyo ni Duterte, tulad nina Villar at Dennis Uy. Sa panahon na ito ng krisis, nakasusuka kung papaanong pinagkakitaan nila ang pondo ng gubyerno sa mga ipinagawang quarantine centers.
5. Right now, the NPA areas are the last bastions of democracy. Pero kahit ito, gustong sirain ni Duterte. Galit talaga siya sa demokrasya.
6. The policy of the NPA is to facilitate, not prevent, the entry of relief and assistance for the people. Kahit DSWD at mga local government, handang makipagtulungan ang NPA. Mabuti na lang, hindi pa hawak ni Sec. Bautista ang lahat ng ahensya niya, kaya maraming nakikipagtulungang sa NPA para umabot ang tulong sa malalayong lugar na NPA lang ang tumatayong gubyerno.
Aside from its public health campaign, the NPA and all revolutionary forces are concerned with the people’s economic well-being, especially in the face of an impending sharp economic downturn.
Nanawagan ang Partido sa lahat ng ahensya, mga indibidwal, sektor at grupo na gustong tumulong para ayudahan ang food production campaign sa mga revolutionary territories. Nanawagan din ang Partido sa lahat ng mga panginoong maylupa na huwag munang kulektahin ang upa sa lupa o ibaba ang upa sa mga darating na anihan.