Pahayag

Kumilos para tumulong sa Batangas

Sa harap ng malawak na dislokasyon sa ekonomya at paggambala sa buhay bunsod ng mga pagsabog sa bulkang Taal, nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa sambayanang Pilipino at lahat ng rebolusyonaryong pwersa para tipunin ang pinakamalawak na posibleng rekursong pantulong sa daan-daan libong mamamayan ng Batangas at mga kalapit na prubinsya.

Nakikidalamhati ang Partido sa malawak na masa ng mga mangingisda, magsasaka at mga manggagawang bukid na napwersang lumipat sa mas ligtas na mga lugar. Dumaranas sila ng pagdurusa dahil sa nawasak na mga bahay at pananim, pagkawala ng mga inaalagaan hayop at pagbabawal na mangisda na pawang pinagkukunan ng kabuhayan. Pinupuns nila ang kawalan ng simpatya o konsiderasyong gubyerno sa kawalan nila ng kita at kawalan ng subsidyo ng estado. Ang kalamidad ay pumatong sa matagal nang mga problema sa ekonomya tulad ng mababang presyo ng mga ibinebentang pananim at huling isda, lubhang di pantay na kaayusan sa pag-aalaga ng manok, baboy, baka at iba pa.

Hinihikayat ng Partido ang lahat ng demokratikong pwersa na magkaisa at kumilos para ibigay ang todong suporta sa mga nakaligtas sa kalamidad. Ang mga rebolusyonaryong pwersa sa Batangas at Southern Tagalog na kaanib ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ay maaaring magkoordina ng mga pagtulong upang tiyakan na lahat ito’y direktang mapupunta sa mga tao. Ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay maaaring magbuo ng mga pangkat para magbigay ng serbisyong medical at psycho-social sa mga nangangailangan.

Kumilos para tumulong sa Batangas