Pahayag

Mga sibilyan at hindi mandirigma ng BHB ang pitong inarestong lider-Lumad sa Misamis Oriental

Translation/s:English

Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa iba’t ibang organisasyon sa pagkundena sa rehimeng Duterte at mga armadong pwersa nito sa labag-sa-batas na pag-aresto sa anti-minang mga lider na sina Datu Reynaldo Ayuma at anim na iba pang Lumad sa Purok 6, Barangay Blanco, Balingasag, Misamis Oriental noong Hunyo 26.

Nananawagan ang Partido sa lokal at internasyunal na mga grupong maka-kalikasan at tagapagtaguyod ng karapatang-tao na pansinin ang dumaraming mga insidente ng pag-abuso na isinasagawa ng pasistang rehimeng Duterte laban sa mga komunidad na anti-mina habang minamadali ang pagsasabatas ng pasistang Anti-Terror Bill (ATB).

Inaresto ang mga biktima sa isang reyd na isinagawa ng pinagsanib na mga elemento ng pulis, militar at lokal na mga upisyal ng barangay sa nasabing komunidad bandang alas-3:30 ng umaga.

Hindi mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) si Ayuma at kanyang mga kasamahan, taliwas sa mga pahayag ng AFP at PNP. Sa aming pagkakaalam, aktibo silang mga lider sa komunidad na lumalaban sa mga operasyong mina, pagtotroso at ekoturismo sa Mt. Balatukan na kinalalagyan ng kanilang komunidad.

Kasamang inaresto ni Ayuma ang mga Lumad na sina Lumads Pablita Hilogon, Glenn Hilogon, Bambi Hilogon, Toto Hilogon, Jun-Jun Ayoman, at Jesson Langka, pawang mga myembro ng Kalumbay Lumad Organization. Ang mga biktima ay nagmula sa Sityo Camansi, Barangay Banglay sa bayan ng Lagonglong, at kabilang sa mga residenteng nagbakwit mula sa nasabing komunidad noong 2018 dahil sa matitinding operasyong militar at atake sa kanila.

Ang mga biktima ay matagal nang ipinapailalim sa Red-tagging at panggigipit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa pamumuno sa pagtutol ng kanilang komunidad sa planong pagpapalawak ng mga kumpanyang multinasyunal sa lugar.

Upang bigyang-matwid ang pag-aresto, walang kahihiyang nagtanim ng matataas na kalibreng baril sa mga bahay na tinutuluyan ng mga bakwit at inakusahan silang mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan.

Dati nang ginamit ng rehimen ang kaparehong maruming taktika nang inaresto ang tagapangulo ng Kalumbay na si Datu Jomorito Guaynon at tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Northern Mindanao na si Ireneo Udarbe sa Talakag, Bukidnon; at sa apat na myembro ng Misamis Oriental Farmers’ Association (MOFA), kabilang ang dalawang sanggol at isang menor de edad, sa Barangay Looc, Villanueva, Misamis Oriental noong Enero 2019. Ang anim na magsasaka ay sinampahan ng gawa-gawang mga kaso sa ngalan ng Human Security Act na ngayong inaamyendahan sa pamamagitang ng ATB. Ibinasura na ang mga kaso laban sa mga biktima ngunit patuloy na naghihirap sa bilangguan si Datu Guaynon at ang MOFA 4. Si Udarbe naman ay patuloy na nakatatanggap ng mga banta sa kanyang buhay at seguridad.

Mga sibilyan at hindi mandirigma ng BHB ang pitong inarestong lider-Lumad sa Misamis Oriental