Archive of Statements

Hinggil sa nagpapatuloy na operasyong militar ng 24th IB sa Abra
December 24, 2019 | New People's Army | Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command) | NPA-Abra (Agustin Begnalen Command) | Florencio Baluga | Spokesperson |

Kahit na nagdeklara na ng ceasefire ang parehong kampo ng CPP-NPA-NDF at ng GRP, nanatili pa rin ang operasyon ng mga tropa ng 24th IB sa probinsya ng Abra. Nanatiling mayroong presensya ng AFP, partikular ang 24th IB, sa mga bayan ng Malibcong, Pilar, Lacub, Sallapadan, Tubo, at Villaviciosa. Kahapon, sa bayan ng Lacub, mayroong […]

Dumadaluhong na operasyong militar sa kabila ng unilateral ceasefire mapagpasyang hinarap ng Armando Catapia Command sa Camarines Norte
December 24, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Mapagpasyang hinarap ng Armado Catapia Command-BHB Camarines Norte ang malakihan at tuloy-tuloy na operasyong militar ng 9IB, 92nd DRC Philippine Army bandang ika-siyam ng umaga ngayong ika-23 ng Disyembre sa Barangay Ba’ay , Labo Camarines Norte. Isa ang napatay at anim ang sugatan sa pwersa ng AFP habang ligtas na naipagtanggol ng BHB ang kanilang […]

MGC - NPA ST, mahigpit na tutupdin ang unilateral at magkatugong deklarasyon ng NDFP-GRP sa Tigil Putukan
December 24, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Inaatasan ng Melito Glor Command – NPA Southern Tagalog (MGC – NPA ST) ang lahat ng mga yunit sa ilalim nito na mahigpit na tupdin ang magkatugong unilateral na deklarasyon ng NDFP-GRP sa tigil-putukan. Tatagal ito ng 15 araw at magkakabisa simula ngayong hating-gabi ng Disyembre 23 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Enero 7, 2019. […]

Armando Cienfuego, nagpapatuloy na Tinig ng Rebolusyon sa Timog Katagalugan
December 24, 2019 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee |

Itinalaga ng Komiteng Rehiyon sa Timog Katagalugan (KRTK) si Kasamang Armando Cienfuego bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command — New People’s Army Southern Tagalog (MGC — NPA ST). Ayon kay Kasamang Armando, “Tinatanggap ko ang hamon sa paggampan ng tungkulin na naiwan ni Kasamang Jaime ‘Diego’ Padilla at sa pamana na sinimulan ni Kasamang […]

Nagpapatuloy na operasyon ng 9th IDPA sa mga larangang gerilya, paglabag sa sariling tigil-putukan! Aksyon ng Pulang hukbo, bahagi ng aktibong depensa
December 24, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Mahigpit na pinapabulaanan ng Romulo Jallores Command-NPA Bikol ang pahayag ng 9th IDPA na lumabag ang NPA sa reciprocal at unilateral na deklarasyon ng tigil-putukan ng CPP-NPA-NDFP na sumasaklaw mula Nobyembre 23 hanggang Enero 7. Ang napabalitang aksyon ng Pulang Hukbo laban sa nag-ooperasyong yunit ng militar sa Baay, Labo, Camarines Norte ay bahagi ng […]

Aktibong Depensa Laban sa Oplan Galugad ng PNP at AFP
December 24, 2019 | New People's Army | Panay Regional Operational Command | NPA-Southern Panay | NPA-Front Twelve (Napoleon Tumagtang Command) | Ariston Remus | Spokesperson |

Inaamin ng Napoleon Tumagtang Command, NPA- Larangan Dose ang pag-harass ng sasakyan ng PNP 1st Provincial Mobile Force gamit ang command detonated explosive sa Brgy. Singon, Tubungan, Iloilo alas 9:30 ng umaga Disyembre 23, 2019. Itong aksyong militar ng NPA kaparte pa ng kontra-opensibang hakbang sa limang (5) araw na, na pagpang-atake ng PNP at […]

Patraydor na atake ng AFP matapos ang epektibidad ng SOMO
December 24, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Kinukundena ng RJC-BHB-Bikol ang sinkronisadong atake ng AFP, ilang oras matapos magsimula ang epektibidad ng unilateral and reciprocal ceasefire ng GRP at NDFP. Nasa posturang aktibong depensa ang BHB. Sa pang-aatake ng militar, tungkulin ng BHB na ipagtanggol at ilayo ang sarili mula sa tiyak na kapahamakan. Ngayong araw, binigo ng mga pulang mandirigma ng […]

Deklarasyon ng PKP-Panay ng tigil-putukan sa rehiyon
December 23, 2019 | Communist Party of the Philippines | CPP Panay Regional Committee |

  Ang Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas – Panay ay inaatasan ang lahat ng kumand at yunit ng New People’s Army sa rehiyon na tumalima sa pansamantalang tigil-putukan na ideneklara ng Komite Sentral ng PKP, simula madaling araw ng Disyembre 23 hanggang hatinggabi ng Enero 7, 2020. Alinsunod sa isinaad sa deklarasyon, mahigpit […]

Pahayag hinggil sa matagumpay na kilusang masa sa Maguindanao Massacre
December 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng NDF-Bikol ang tagumpay na nakamit ng matatag na kilusang masang walang pagod na nagtulak ng hustisya para sa masaker sa Maguindanao. Bunga ng kanilang isang dekadang pagkakaisa’t pagsisikap napilitan na ang reaksyunaryong gubyerno na pananagutin ang kalakhan ng maysala sa naturang masaker.  Ngunit hindi pa tapos ang laban. Marapat lamang na ipanawagan ang […]

Mamamayan ibayong pandayin ang pagkakaisa! Labanan ang pasismo ng estado!
December 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Buung-buo ang pagsuporta ng NDF-Bikol sa masang Bikolano sa kanilang laban sa militarisasyon at pasismo ng estado. Mabilis na nahuhubdan ang patung-patong na kasinungalingang ipinamamarali ng 9th IDPA at buong Joint Task Force Bicolandia sa rehiyon. Matapos ang magkakasunod na pagkakalantad ng pamamaslang sa mga sibilyang magsasaka sa Catanduanes at ang pekeng pagpaparada sa isang […]