Pahayag

Pahayag ng Pakikiisa sa Pagdiwang ng Ika-50 Anibersaryo ng PKP-MLM

Maagang bahagi ng 1970’s nang makarating ang mga kasama sa sona sa hangganang Quezon- Bicol. Sa panahong ito ay nagkaroon ng mga panimulang ugnay sa masa hanggang sa mabuo ang mga unang grupo ng magsasaka. Nasimulan na ang pagkakaisa at pagkilos ng ilang kontak at organisadong masa sa pamamagitan ng suyuan o palitan ng lakas paggawa. Nagbunsod ito ng kampanya sa pagpusisyon sa kanya-kanyang lupang pinoblar hanggang sa naging produktibo ang mga ito. Ang pag-oorganisa at pag-ugnay ay may diin sa mga kaingiro at mga setler na itinaboy sa kagubatan at iba pang mga magsasaka sa mga laylayan at kapatagan. Ang hangganang Quezon- Bicol Zone (QBZ) ay naging matabang lupa para sa pagsibol at paglawak ng pakikidigmang gerilya.

Sa gitna ng pag-iral ng mga maling linya at disoryentasyon na naganap noong huling hati ng dekada 80 sa kasaysayan ng Partido, ang maituturing na isang malaking tagumpay sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa probinsya ay ang pagtukoy, pagwawasto at paglaban sa mga maling linya sa pagsulong ng rebolusyong agraryo (RA). Nakita ito sa maling aplikasyon ng maka-uring linyang anti pyudal kung saan sa ìtripartiteî ang hukbong bayan ay naging taga-pamagitan sa makauring tunggalian ng PML at masang magsasaka at sa ìleaseholdî ang maling aplikasyon sa prinsipyo sa pagbubuwis at paglapat ng sanksyon.

Mula sa naging paghupa ng pagsulong ng RA sa probinsya inugat ang kahinaan sa pag-unawaít hugis ng RA na nakita sa suhetibong kongklusyon ìwalang RA sa gubat dahil wala namang PMLî sumanga ito at naging malaking bahura sa pagtaas ng baseng masa, pagsulong ng armadong pakikibaka dulot ng suhetibo, pagkapasibo at kalat-kalat na pag-unawa sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo.

Taong 1997, inilunsad ang malawakang pagsusulong ng rebolusyong agraryo, iwinasto ang mga maling konsepto, kinombina ang lihim at hayag na kilusang masa at magkamit ng pang-pulitikaít pang-ekonomiyang tagumpay ang rebolusyonaryong kilusan.
Sa panahon ding ito masiglang isinulong ang mga pambaryong pagkilos ng mga saligang organisasyong masa (SOM) gaya ng paggawa ng balon na pagkukunan ng malinis na inuming tubig, paggawa ng tulay para sa tawiran ng mga bata sa panahon ng tag-ulan, paggawa ng kalsada na daanan ng hilada para mabilis na mailabas ang produktong agrikultural at iba pang serbisyo tulad ng paggawa at pamamahagi ng gamot, pagsusulong ng health and ìsanitationî na pinangunahan ng sub-komite sa kalusugan ng Ganap na Samahan ng Kababaihan at pagpapakilos sa mamamayan na naglalayong mapahusay ang kooperasyon ng mamamayan sa mga baryo.

Bilang pagsisikap na tugunan ang panawagan sa malawak na saklaw, taong 1998 ay isinulong ang pakikibakang masa na nakatuon sa isyu ng dayuhang pagmimina, kaakibat ang demandang paglalantad, pagkondenaít pagsingil sa pasistang panunupil at pandarahas ng reaksyunaryong gobyerno at ng AFP.

Noong 1998, isinulong ang Integradong Kampanyang Masa sa pamumuno ng Partido nilaman nito ang pagsusulong ng rebolusyong agraryo kaalinsabay ang pagkokonsolida at pagpapalawak ng baseng masa habang hindi bumibitiw sa armadong pakikibaka. Kasabay nito ay hinarap ang isyu ng dayuhang pagmimina na lumundo sa paglulunsad ng reyd ng BHB at masa noong 2007 sa El Dore Mining Corporation na libong pamilya ang nabiyayaan.
Ang mga naging karanasan sa militanteng paglaban ng organisadong baseng masa sa dayuhan at lokal na mangangamkam ng lupa ay siyang nagpanday at nagsilbing inspirasyon ng mamayan sa CN para ipagpatuloy ang laban.

Sa pagpapalakas ng Partido sa ideolohiya mula sa mabagal at limitadong pagbibigay ng mga edukasyong Marxismo- Leninismo- Maoismo ay tiniyak ang mga pagsasanay sa mga instructor ng Batayang Kurso ng Partido o BKP-IT upang habulin ang mga ìbacklogsî at mabigyan ang bagong mga rekluta. Sinimulan na rin ang pag-aaral at kampanya sa Intermedyang Kursong ng Partido (IKP) para magpaunlad ng mga bagong kadreng antas seksyon hanggang sa mga batayang organisasyon ng Partido. Nabigyan ng higit na kumpyansa ang mga kadreng local na nagbunsod sa higit na konsolidasyon ng baseng masa. Ang pagsigla ng gawaing edukasyon sa Partido at sistematikong kampanya sa rekrutment sa Partido ay nagbunga ng paglawak ng kasapian ng Partido.

Muli ring sumigla ang pagharap sa rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa pamamagitan ng paglulunsad ng palihan sa kultura mula noong Disyembre 2013. Nagresulta din ito sa muling paglalabas ng regular na rebolusyonaryong pangkulturang dyornal ng probinsya, ang ìTILAMSIK ng DAKILANG APOYî na unang inilabas noong Disyembre 2014. Sinalamin sa pangkulturang dyornal ang buhay pakikibaka ng mga rebolusyonaryong pwersa at ang mga tagumpay sa pagsusulong ng digmang bayan.

Sa pagpapaigting ng armadong pakikibaka ay nakapag-ambag ang probinsya sa paglulunsad ng malalaki at katamtamang laking mga batayang taktikal na opensiba. Kabilang dito ang magkasunod na ambus sa pwersa ng AFP sa Brgy. Dumagmang, Labo Camarines Norte nitong Oktubre 2018.

Ipinakita ng kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan sa probinsya, mula sa pagpupundar hanggang sa kasalukuyan na naigpawan nito at kinayang harapin ang panunupil ng reaksyunaryong estado. Sa harap ng diktador at pasistang Rehimeng US- Duterte nararapat lamang na panghawakan ang mga naipong tagumpay sa pagbubuo ng Partido, pagpapalakas ng Bagong Hukbong Bayan at pagsusulong ng armadong pakikibaka at rebolusyong agraryo kasabay ng pagpapalawak at pagpapalalim ng baseng masa. Higit sa lahat ang pangangailangan sa ibayo pang konsolidasyon ng Partido sa ideolohiya, pulitika at organisasyon para mahusay na makapamuno sa darating pang mga taon.

MABUHAY ANG IKA- 50 ANIBERSARYO NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

Pahayag ng Pakikiisa sa Pagdiwang ng Ika-50 Anibersaryo ng PKP-MLM