Pahayag

Sagad-saring magnanakaw na sundalo ng 4th IBPA, 203rd Bde, binabalaan ng NPA Mindoro

, ,

Binabalaan ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro (LDGC-NPA Mindoro) noong Marso 21, 2024 si Pvt. Oman Balitang Hagan, isang sundalong Buhid-Mangyan na sumailalim sa special enlistment sa Philippine Army. Si Hagan ay isang sagadsaring magnanakaw at sangkot sa malawakang nakawan ng mga alagang hayop ng mga katutubo sa saklaw ng mga barangay ng Naibuan at Monteclaro sa bayan ng San Jose, at Manoot sa bayan ng Rizal.

Ang pagbababala kay Hagan ay tugon ng NPA-Mindoro sa mga kasong isinampa sa Demokratikong Gubyernong Bayan (DGB) laban sa kanya ng mga mamamayan sa mga lugar na sinasaklaw ng kanyang mga krimen. Mula nang pumwesto ang kampo militar ng 203rd Bde sa Sityo Mantay, Barangay Monteclaro, ibayong lumaganap ang malawakang nakawan at iba pang mga krimen sa lugar na nagdudulot ng malakings pinsala sa kabuhayan at kapayapaan ng mga residente. Pangunahing sangkot dito ang mga elemento ng AFP-PNP gamit ang mga Buhid-Mangyan na isinailalim sa special enlistment na sila ngayong nagsisilbing pinakamaaasahang mga ahente ng mga berdugong sundalo at pulis sa lugar sa pagsasagawa ng mga krimen laban sa mamamayan.

Si Hagan ay kasapakat din ni Pvt. Mayuay Unaw na nauna nang ginawaran ng parusang kamatayan noong Abril 2023 ng LDGC-NPA Mindoro dahil sa pangunahing papel nito sa sapilitang pagpapasuko, pagbabanta, intimidasyon at iba pang mararahas na paglabag sa karapatang pantao na isinasagawa ng 203rd Bde at PNP MIMAROPA sa hanay ng mga katutubong Buhid-Mangyan sa nabanggit na mga barangay.

Pinatutunayan ng mga kaso ni Unaw at Hagan ang pagiging sagad-saring anti-mamamamayang mga kriminal at tagapaglabag sa karapatang pantao ng berdugong AFP at PNP na naghahasik ng ligalig at terror saan man sila naroon. Malinaw na kasinungalingan at panlilinlang lamang ang mga pahayag nilang tagapagtanggol umano sila ng interes at kapakanan ng mamamayan.

Nananawagan ang LDGC-NPA Mindoro sa lahat ng mga yunit sa ilalim nito na gawin ang ibayong pagsisikap para maglunsad ng mga katulad na hakbangin at mga taktikal na opensiba upang bigyang katarungan ang masang katutubo, magsasaka at iba pang aping mamamayan. Gawing pangunahing target ang mga yunit ng 203rd Bde at PNP MIMAROPA kabilang ang mga    kontra-rebolusyonaryo at anti-mamamayang elemento katulad nina Hagan at Unaw na sangkot sa pinakamalalalang mga krimen at mga paglabag sa karapatan at interes ng mamamayang Mindoreño. Ipagdiwang natin ang okasyon ng ika-55 taong anibersaryo ng NPA sa pamamagitan ng matatagumpay na mga aksyong militar na nagtatanggol at nagbibigay katarungan sa mga biktima ng mga kaaway ng mamamayan. ###

Sagad-saring magnanakaw na sundalo ng 4th IBPA, 203rd Bde, binabalaan ng NPA Mindoro