Archive of Southern Tagalog

Planado at Sistematisado ang sunod-sunod na Sunog na Sumiklab sa Lalawigan ng Cavite
February 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Mistula naging ‘fire capital’ ang lalawigan ng Cavite dahil sa dami ng naitatalang sunog nitong mga nakaraang linggo. Malaking bilang ng mga nasunugan ay matatagpuan sa syudad ng Bacoor na sinundan sa Imus at Kawit. Sa loob ng dalawang linggo, daan-daang pamilya at indibidwal na ang nawalan ng kanilang panirahan. Kasabay ng pagkawala ng kanilang […]

Tunay na pagbabagong panlipunan, hindi charter change ang solusyon sa suliranin ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino
February 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Kaisa ng mamamayang Palaweño at sambayanang Pilipino, ginugunita ng NDFP-Palawan ang pag-aalsang EDSA ng 1986 na nagpatalsik sa pasistang diktador na ama ng kasalukuyang ilehitimo, korap, palpak, papet at pasistang presidenteng Ferdinand Marcos Jr. Napapanahon ngayong gunitain ang isang matagumpay na kolektibong pagkilos ng sambayanang Pilipino sa panahong tila inuulit ng batang Marcos at mistulang […]

Labanan ang pasistang pang-aatake sa mamamayan ng Rizal!
February 20, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Rizaleño na patuloy na tumindig at makibaka sa gitna ng sunud-sunod na atake ng reaksyunaryong estado sa kanilang mga karapatang tao, kabuhayan at demokratikong karapatan sa bungad ng 2024. Walang puwang ang pananahimik at pagbabantulot na kumilos sa harap ng mapang-api, mabangis at mapanlinlang na kaaway. Ang ngipin-sa-ngipin na pakikihamok […]

Lamat ng Uniteam, tuluyan nang sumambulat
February 18, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Ang ipinangalandakang ‘UniTeam’ sa pagitan ng mga reaksyunaryong partido, Hugpong ng Pagbabago, Lakas-CMD, Partido Federal ng Pilipinas at Nacionalista Party at iba pa ay di na napigilan ang sariling pagsambulat. Tulak ito ng makasariling interes at ambisyon ng mga paksyon sa loob ng dating UniTeam na parehas mga swapang, pasista at ilehitimo. Ang pagbabangayan ng […]

Rice Liberalization Law o RLL Pamatay na Saksak sa Magsasaka at Mamamayan at Lokal na Produksyon ng Palay
February 18, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Ipinakita ng inutil at ilehitimong pangulo na si Marcos Jr. sa kanyang huling biyahe sa Vietnam na wala siyang ibang alam sa paglutas sa krisis sa bigas ng bansa kundi ang importasyon. Sinasangkalan din ni Marcos Jr. ang di maampat na pagtaas ng presyo ng bigas ng dahil sa El Niño. Walang maaasahan kay Marcos […]

Isiwalat ang katotohanan ng terorismo ng 80th IBPA sa Rizal!
February 15, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NAAC-NPA-Rizal ang mga kasinungalingan ng 80th IBPA. Pilit pa rin nitong pinagtatakpan ang katotohanan sa naganap na labanan sa Sityo Balagbag, Barangay San Isidro, Rodriguez noong Enero 31, 2024, pati ang mga krimen nila sa mamamayang Rizaleño. Sa pinakahuling pahayag ng pasistang tropang pinamumunuan ni Lt. Col. Mark Anthony U. Ruby, pilit […]

MALAYA KA Program ng 80th IB, lumang istilo ng panlilinlang at panggigipit sa mamamayan, paglabag sa internasyunal na makataong batas!
February 15, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Buong pagyayabang na ibinibida ng 80th IBPA ang kasinungalingan sa kanilang MALAYA KA Program, na diumano’y makabagong pamamaraan upang wakasan ang terorismo. Kaisa at katuwang diumano ang mga pamilya ng mga miyembro ng NAAC-NPA-Rizal sa pagpapasuko sa kanilang mga anak at kamag-anak sa pagdurog sa CPP-NPA-NDFP. Tusong iskema nila ang propagandang ito sa social media […]

Importasyon at kainutilan ng gubyerno, dobleng pasakit sa mamamayan at magsasaka ng palay
February 14, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Gabundok na ang pasanin ng magsasakang Pilipino at mamamayan dahil sa Rice Liberalization Law (RLL) mula nang isabatas ito noong Pebrero 14, 2019 at dahil sa kainutilan ng gubyerno sa harap ng sakunang El Niño. Dahil sa El Niño tinatayang bababa ang produksyon ng palay habang sisirit ang presyo ng bigas hanggang Setyembre. Malaon nang […]

Hustisya para sa mag-asawang Regala! Panagutin ang AFP at US-Marcos II sa kanilang killing spree!
February 13, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang karumal-dumal na pamamaslang ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) kina Pedro Regala, 78, at Florencia Regala, 67, sa Barangay Toboran, Cawayan, Masbate noong Pebrero 5. Sila ay dinukot mula sa kanilang tahanan, dinala sa lilblib na lugar, at pagkatapos paulit-ulit na pagbabarilin ay tinamnan ng armas para palabasing NPA. […]

Pagpupugay sa ika-85 na Kaarawan ni Ka Jose Maria Sison, Dakilang Lider at Tanglaw ng Rebolusyong Pilipino!
February 09, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Pulang pagpupugay at pagsaludo kay Kasamang Jose Maria Sison sa kanyang ika-85 na kaaraawan, siya ang Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas-MLM, ang ating dakilang lider, tanglaw at gabay sa Rebolusyong Pilipino. Nanatiling buhay at nag-aalab ang rebolusyonaryong kapasyahan at optimiso ng mga manggagawa, magsasaka, maralita, kabataan, kababaihan, mga panggitnang pwersa at mga katutubo […]