Kinundena ng Karapatan-Masbate ang pagpaslang ng 96th IB sa 31-anyos na magsasakang si Erlindo Natural noong Mayo 7 sa Barangay Holjogon, bayan ng Mobo, Masbate. Ayon sa grupo, si Natural ang ika-29 biktima ng pampulitikang pamamaslang sa prubinsya sa ilalim ng rehimeng Marcos. Pinalalabas ng mga sundalo na napaslang si Natural sa isang armadong engkwentro […]
Pinatay sa walang-patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 74th IB ang magsasakang si Pido Mendes sa Barangay San Jose, Mapanas, Northern Samar noong Nobyembre 22. Nasa kasagsagan noon ng isang focused military operation ang naturang yunit militar na nakapailalim sa kumand ni BGen. Noel Vestuir ng 802nd Bd. Si Mendes, humigit-kumulang 60-taong gulang, ay malaon […]