Kaliwa’t kanang pangungutya ang sumalubong sa panawagan ni Ferdinand Marcos Jr sa mamamayan noong Pebrero 7 na magbayad sila ng tamang buwis sa takdang panahon. “Walang moral ascendancy” (wala sa katayuang moral) ang bwelta sa kanya ng maraming Pilipino dahil sa di pagbabayad ng kanyang pamilya ng estate tax na nasa ₱203.819 bilyon noong 2022. […]
Di bababa sa 70 ang diumano’y delegasyong isinama ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang lakad sa Davos, Switzerland nitong Enero 16. Kasama dito ang kanyang pamilya (kabilang ang kapatid na si Irene Marcos-Araneta), mga burukratang alipures at kasosyong negosyante. Malayong mas malaki ito kung ikukumpara sa di tataas sa 20-katao na bumuo sa mga delegasyon […]