Nasusuklam na ang maralitang magsasaka at manggagawang pambukid sa burges na reporma sa pananakahan

,

Salungat sa inaasahan ng mga imperyalistang Amerikano, asendero at burukratang kapitalista, ang burges na Batas ukol sa Reporma sa Pananakahan ay nagsisilbing tagapag-alab ng pag-aalsa ng mga maralitang magsasaka at mga manggagawang pambukid sa buong bansa kaysa nagsilbing tagapaghinahon.

Paungol na pinoproklama ng reaksiyonaryong gobyerno ang ilang lugar bilang distrito ng reporma sa pananakahan nguni’t ang mga ahensya nito ay hindi pinaglalaanan ng pananalaping kinakailangan sa isang programang burges ng reporma sa pananakahan.

Lubhang nahihirapan na ang reaksiyonaryong gobyerno sa pagmementena ng mga karaniwang operasyong pang-administratibo nito. Subali’t ang pondo nito ay linulustay para sa pakinabang ng mga masibang uring nang-aapi. Ni hindi man ito makapagbigay ng sapat na pautang maging sa isang bahagdan lamang ng uring magbubukid. Paano ito magkakaroon ng sapat na pondo upang bilhin ang maalalaking lupain ng mga asendero?

Kahit na sa mga tinatawag na distrito ng reporma sa pananakahan, ang mga maralitang magsasaka ay patuloy pa rin sa pagiging alipin ng kanilang mga asendero at lalo pag nababaon sa utang. Lalo pang pinasisidhi ng mga asendero ang kanilang pamamaraan ng pang-aapi. Ang pinakamahabang sahod sa bukirin ayon sa burges na batas para sa mga manggagawang pambukid na nagkakahalagang 3.50 isang araw ay napakababa na nguni’t tumatanggap pa rin sila ng higit na mababa pa at hindi binibigyan ng iba pang karampatang kaluwagan maging ayon man lamang sa burges na Batas ukol sa Reporma sa Pananakahan. Basta’t itinuturing na lamang sila bilang “panandaliang manggagawa upang makaligtas sa burges na batas na sila rin ang may likha.

Ang mga maralitang magsasaka at mga manggagawang pambukid sa buong bansa ay sabik na naglunsad ng rebolusyong agraryo. Nauunawaan na nila na kapag sila’y sabay sabay na tumangging magbigay ng parte ng mga asendero sa isang napakalawak na sakop, walang sapat na pulis, tropa, butangero, abogado, hukom, korte at kulungan na makapagsusukol sa kanila. Maaagaw nila ang mga lupain, maiilit ang mga imbakan at hayupan ng mga asendero, mapapawi ang mga usurya, maparurusahan ang mga katutubong despota at makapagtatatag ng kapangyarihang pampulitika, kung kanilang nanaisin.

Ang mga maralitang magsasaka ang mga manggagawang pambukid sa napakalawak na sakop ay mabunying tumutugon sa panawagang magtatatag ng mga samahan sa kanilang hanay. “Magkabuklod-buklod” ang kanilang palagiang islogan.

Alinsunod sa desisyon ng Unang Plenum ng Komite Sentral ng Partido, ang mga Komite para sa Pagbubuklod ng mga Nayon (B.O.C) na itinatag noong una ay binabagong-anyo sa pagiging rebolusyonaryong konsehong pangnayon o komite ng mga magbubukid na ito na may buong pagtangkilik ng Partido at ng Bagong Hukbo ng Bayan ay susunod sa makauring rebolusyonaryong linyang anti-peyudal na pangunahing aasa sa mga maralitang magsasaka at mga manggagawang pambukid, makikipagkaisa sa mga panggitnang magsasaka at magnineutralisa sa mga mayamang magbubukid laban sa mga asendero. Ang makauring rebolusyonaryong linyang ito ay nagwawaksi sa kontra-rebolusyonaryong makauring linya ng pangkating Taruc-Sumulong na nagbabalatkayong nakikipagpamagitan sa mga asendero at magsasaka nguni’t sa katotohana’y pabor sa mga asendero. Iwinawaksi rin nito ang kontra-rebolusyonaryong linyang makauri ng taksil na rebisyonistang pangkating Lava na nagtataguyod ng legalista at repormistang samahang pangmagbubukid, nagkukubli sa pangunahing papel ng rebolusyong agraryo at nag-iiwan sa suliraning panlupa sa kamay ng burges na gobyerno.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbo ng Bayan ay walang pagod na nagsisikap na patayugin ang rebolusyonaryong kilusang pangmagbubukid. Sa pamamagitan ng pangmasang pakikibaka ng uring magsasaka, ang Partido at ang Hukbo ng Bayan ay tiyakang magiging matigas at lubos na magpapaibayo ang kanilang kalakasan nang maraming ulit.

Ang Partido at ang Bagong Hukbo ng Bayan, na may malaking pananampalataya at pagtitiwala sa masa, ay buong loob na naniniwalang ang iisang silakbo ay makapagsisimula ng isang sunog sa parang sa mga bukirin ng Pilipinas.

Nasusuklam na ang maralitang magsasaka at manggagawang pambukid sa burges na reporma sa pananakahan