Patuloy ang pananalakay ng mga sosyal na imperyalistang Sobyet laban sa Tsina

,

Nagprotesta ang pamahalaang Tsino sa Unyong Sobyet ukol sa panibagong panghihimasok, armadong pananalakay, probokasyon at pangungulimbat sa hangganan ng Tsina. Itinala ng protesta ang mga pangyayaring naganap mula noong Marso at masusing ipinamalas ang kararaan-lamang na mga anyo ng pananalakay.

Naririto ang mga pangyayaring naganap noon Mayo:

Noong ika-2 ng Mayo, nagpalabas ang pamahalaang Sobyet ng malaking bilang ng tropa , kasama ng ilang daang tangke, armoured cars at iba pang mga sasakyan, na nanghimasok sa kanlurang panig ng bundok Barluk sa Yunan County, Sinkiang Tsina, at pinasok sa apat na milyang teritoryo ng Tsina at magaspang na gumambala sa pagdaan ng mga pastol na Tsino at ng kanilang mga pinapastol.

Ipinuntirya ng mga tropang Sobyet ang kanilang mga baril sa tagatanod ng hanggahan ng Tsina at binantaan sila sa pagsasabing kapag hindi sila uurong mula sa lunang yaon, tuluyan silang lilipulin sa pamamagitan ng puwersa. Naiwasan ang pagdanak ng dugo sapagka’t naging mapagtimpi ang mga Tsino.

Mula noong ika-12 ng Mayo, walang salang nagpaputok ang mga tropang Sobyet mula sa kanilang pampang ng mga light at heavy machinegun sa Pulong Wupalao sa gawing Tsina ng panggitnang linya ng pangunahing daluyan ng ilog Heilung sa Hunan County, lalawigang Heilunkiang, at sa pampang ng Tsino at mga sibilyan sa pulo. Binaril ng mga tropang Sobyet ang isang tanod noong ala-2 ng ika-15 ng Mayo.

Nang mga ika-11 ng umaga ng ika-14 ng Mayo, isang patrol boat, isang pampasaherong lantsa at isang gunboat ng panig Sobyet ang nanghimasok sa Pulong Nuyatung sa gawing Tsina ng panggitnang linya ng daluyan ng ilog Heilung sa lalawigang Heilungkiang.

Sa pangunguna ng isang opisyal na Sobyet, marahas na dumaong sa pulo ang labinlimang nasasandatahang sundalo at mula sa dalawang direksiyon pinaligiran ang siyam na sibilyang nagsasagawa ng produksiyon sa pulo, makahalimaw na binayo sila ng pulunan ng baril, na nagpasugat nang malubha sa dalawa sa siyam na katao, at dinala ang apat sa pamamagitan ng dahas.

Matapos silang usigin nang ilegal at marahas na ikulong sila nang walong araw, napilitang ibalik sila ng panig Sobyet matapos lamang ang napakaraming protestang isinagawa ng mga kinatawan ng mga Tsinong tanod sa hangganan.

Sa ganap na alas 9:30 ng umaga ng ika-20 ng Mayo, habang inaalalayan ng kulang-kulang na isandaang sundalong Sobyet, siyam na kawal na Sobyet na pinangungunahan ng tenyente-koronel ang nanghimasok sa lunan ng Yeheikai, Khabaho County, Sinkiang at magaspang na nanggulo sa pagpapatrolya ng mga tanod papahangganang Tsino sa pamamamagitan ng pagpapatakbo ng mga kabayo tungo sa mga tanod.

Sa hapon ng ika-20 ng Mayo, malaking bilang ng mga tropa ng Sobyet ang nanghimasok sa lunang Chiamanchi ng Tehcheng County, Sinkiang, nambugbog ng tatlong sibilyang Tsino at dalawang tanod panghangganan, tinangay sila sa pamamagian ng dahas, inagaw ang armas at bala ng mga tanod panggangganan, at tumangging ibalik ang mga iyon.

Sa ganap na alas 9:45 sa gabi ng ika-25 ng Mayo, nang ang pampasaherong bapor ng Tsinang “Tunfanghung No.17” ay naglalayag sa pangunahing daluyan ng ilog Keilung, inilawan ito ng nakasisilaw na searchlight mula sa panig Sobyet na nagsilaw sa mata ng mga piloto ng bapor at naging dahilan ng pagkasadsad nito.

Nang ang bapor ng Tsina ay nagpadala ng tatlong katao upang humngi ng tulong, ang tropang Sobyet ay nagpadala ng gunboat at talong patrol boat upang kidnapin ang tatlong sibilyang yaon kasama na ang kanilang sinasakyang bangka, at hanggang ngayon’y tumatangging ibalik sila.

Sa ganap na alas 12:27 ng ika-28 ng Mayo, katulong ng isang helicopter, mga tropang Sobyet sa tatlong gunboat ang nanghimasok sa Fuyunta-chiahsintzu sa gawing Tsina ng panggitnang linya ng pangunahing daluyan ng ilog Hoilung sa Fuyuan County ng lalawigang Heilungkiang, higit na apat-napung nasasandatahang tropang Sobyet ang nagpumilit na dumaong sa pulo, di-makatarungang tumangay ng 10 mangingisdag Tsino na nagsasagawa ng produksiyon sa pulo at tinangay ang kanilang bangkang pangisda at isang motor boat, at tumangging ibalik ang mga iyon.

Sa loob ng panahon mula noong ika-29 ng Marso hanggang ika-31 ng Mayo, ang mga sasakyang panghimpapawid ng Sobyet, kasama na ang mga pambomba, panlaban, at pang-reconnaissance, ay walang pakundangang nanghimasok nang 57 ulit sa himpapawid na nasasakupan ng Tsina upang manggulo at magmatyag at ang iba’y pumasok pa nga sa higit na 36 milya ng teritoryong Tsina na sumasakop sa higit na 240 na kilometrong lawak.

Patuloy ang pananalakay ng mga sosyal na imperyalistang Sobyet laban sa Tsina