Linggo ng PLGA, ginunita
Ginunita ngayong Disyembre 2-10 ng Communist Party of India-Maoist (CPI-M) ang taunang Linggo ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA). Inilulunsad ang Linggo ng PLGA bilang pag-alala sa tatlong myembro ng Komite Sentral ng CPI-Maoist—sina Seelam Naresh, Nalla Adi Reddy at Yerramreddy Santosh Reddy—na pinaslang ng mga pwersa ng reaksyunaryong estadong Indian noong Disyembre 2, 1999.
Sa loob ng linggong ito, naglulunsad ang mga mandirigma ng PLGA ng mga pulong masa at rali sa saklaw nilang mga komunidad. Pagkakataon din ito para pasumpain ang mga bagong kasapi ng Partido at hukbong bayan. Sa ilang komunidad, nagtatayo sila ng mga bantayog bilang pagsaludo sa kanilang mga martir.
Tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang nakasabit sa kalsada na mga balatenggang naglalaman ng mga panawagan ng CPI-M.