Welga sa Liwayway, tagumpay

Nagtagumpay ang tatlong buwang welga ng mga manggagawa ng Liwayway Marketing Inc. Workers’ Union (LIWU-ANGLO-KMU) noong Nobyembre 22 matapos humantong sa isang kasunduan ang unyon at maneydsment.
Pinirmahan ang kasunduan para ibalik sa trabaho ang higit 40 manggagawang naka-floating status. Ibibigay din sa kanila ang di nabayarang sahod sa panahong nakawelga. Ang mga manggagawa ng Liwayway ay ang gumagawa ng mga produktong tsistsirya na Oishi.
Samantala, nagtagumpay din ang mga manggagawa ng SMT Philippines matapos ang kanilang 55 araw na protesta laban sa iligal na pagsasara ng kumpanya at blokeyo sa pagkain sa kanilang piket.
Nakakuha sila ng katanggap-tanggap na kompensasyon at separation pay. Binigyan din sila ng mga tulong at benepisyo matapos ang dalawang dekadang pagtatrabaho sa kampanya.