Paaralang Bakwit, nagbukas sa Quezon City at Davao
NAGBUKAS NOONG Setyembre 2 sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City ang Bakwit School (Paaralang Bakwit) para sa kasalukuyang taon. Nasa 50 mag-aaral na Lumad, kanilang mga guro at lider ang dumalo sa aktibidad.
Samantala, 155 mag-aaral ang dumalo sa pagbubukas ng Bakwit School sa UCCP Haran sa Davao City. Ayon sa administrasyon ng Salugpongan, nagpasya silang ibukas ang mga Bakwit School dahil hindi binawi ng DepEd ang ipinataw na suspensyon sa kanilang mga paaralan.
Kasabay nito, nagpiket ang mga lider ng mga komunidad ng Lumad at mag-aaral mula sa Save Our Schools Network sa harap ng House of Representatives habang isinasagawa ang pagdinig sa badyet para sa Department of Education noong Setyembre 3.
Paaralang Bakwit, nagbukas sa Quezon City at Davao