Piging at byahe ng mga nasa poder, tuloy kahit may lockdown

,

Inulan ng batikos ang piging ng mga pulis ng National Capital Region para sa kaarawan ng kanilang hepe na si Debold Sinas noong Mayo 8. Gayundin ang sinapit ni Rodrigo Duterte mismo, nang bumyahe siya pauwing Davao City noong Mayo 16. Ito ay sa kabila ng pagbabawal sa byaheng panghimpapawid at paglabas ng mga indibidwal sa mga lugar na nakapailalim sa “enhanced community quarantine.”

Sampal sa mukha sa milyun-milyong nagugutom at pinagbawalang makipagsalamuha ang lantarang paglabag ng mga pulis at ni Duterte mismo sa mga batas ng lockdown. Naganap ang mga paglabag na ito sa gitna ng pagkulong ng milyong mamamayan sa Metro Manila sa ngalan ng pag-apula sa sakit. Wala ring tigil ang brutalidad ng mga pulis sa ordinaryong mamamayang nahuhuli nilang may mga pagkakamali. Pinakahuli dito ang ang pambubugbog ng dalawang pulis sa manggagawang si Ronald Campo sa General Trias, Cavite noong Mayo 12. Kinailangang dalhin sa ospital si Campo sa tindi ng tinamo niyang bugbog.

Piging at byahe ng mga nasa poder, tuloy kahit may lockdown