Pagpupugay kay Jaime Soledad, NDFP konsultant

,

Pinarangalan ng Partido Komunista ng Pilipinas si Kasamang Jaime Soledad (kilala rin bilang Ka Mike, Ka Jordan at Ka Fred) sa kanyang walang imbot na paglilingkod sa nakikibakang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Namatay si Ka Jaime sa sakit na kanser noong Mayo 13 sa edad na 70.

Pinakahuling ginampanang tungkulin ni Ka Jaime ang pagiging konsultant sa usapang pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines mula 2016 hanggang 2017. Mula dekada 1970, isa si Ka Jaime sa mga namumunong kadre na namuno sa pagpundiar at pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Leyte. Noong 2005-2009, napabilang siya sa Ang Bayan bilang manunulat at tagasalin sa Waray at Bisaya. Iligal siyang inaresto noong 2009 at napalaya noong 2016 para lumahok sa usapang pangkapayapaan. Nagsilbi rin siyang tagapagsalita ng National Democratic Front-Eastern Visayas sa panahon ng rehimen ni Corazon Aquino.

Isa si Ka Jaime sa kabataang tumungo sa kanayunan noong dekada 1970 na nagsilbing binhi sa paglalatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Estudyante siya sa University of the Philippines bago siya nadeploy sa Leyte. Tinalikuran niya ang UP Vanguard, ang organisasyon ng mga upisyal ng ROTC sa unibersidad para sumapi sa BHB.

Pagpupugay kay Jaime Soledad, NDFP konsultant