Mga protesta

,

Makatarungang sahod. Nagprotesta ang 300 drayber ng serbisyong deliberi na Food Panda sa Davao City noong Hunyo 15. Binatikos nila ang kumpanya sa barat na pagpapasahod, di makatarungang pagtatanggal ng ilang drayber at pagpapabalikat sa kanila ng bayarin sa pagkuha ng permit.

Duque, patalsikin. Pinagbabato ng kamatis ng mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers ang logo ng Department of Health (DOH) sa harap ng upisina nito sa Maynila noong Hulyo 16 para kundenahin ang kawalang benepisyo, kapabayaan at kapalpakan ng rehimeng Duterte na tugunan ang kanilang kagalingan. Ipinanawagan din nila ang pagpapatalsik sa pwesto sa inutil na si Sec. Francisco Duque III ng DOH.

Pahirap na oil price hike. Nagpiket ang mga progresibong organisasyon sa harapan ng Petron malapit sa Philippine Coconut Authority, Quezon City noong Hulyo 13 para batikusin ang pagsirit ng presyo ng petrolyo sa nagdaang mga buwan. Tumaas na nang ₱5-6 ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Enero.

Mag-aaral sa Paaralang Bakwit, nagtapos. Inilunsad ng Save Our Schools Network ang pagtatapos sa hayskul ng mga mag-aaral ng Bakwit School noong Hulyo 17 sa Bantayog ng mga Bayani, Quezon City. Dumalo sa programa ang mga sumusuporta sa kanilang mga personalidad at organisasyon.

Mga protesta