Pagsabog ng Bulkang Kanlaon, tinugunan ng BHB-Negros

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Kumikilos ngayon ang mga yunit at kumand sa ilalim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros Island (Apolinario Gatmaitan Command) para umagapay at tumulong sa masang Negrosanon na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Pumutok ang bulkan noong Hunyo 3 at nakaranas ng pagragasa ng lahar mula sa bulkan ang mga komunidad sa Central Negros noong Hunyo 6 bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan na humalo sa abo na ibinuga ng bulkan.

Dobleng pasakit sa masang Negrosanon ang pagputok ng Bulkang Kanlaon dahil hindi pa sila nakababangon mula sa delubyo ng tagtuyot noong panahon ng El Niño.

Sa mga ulat, umabot na sa 15,511 pamilya (halos 50,000 katao) sa 23 na barangay ang apektado ng pagputok ng bulkan noong Hunyo 18. Tinatayang aabot sa ₱10 milyon na ang pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura.

Sa halip na kongkreto at lehitimong tulong, nagpapakitang-gilas lamang ang rehimeng Marcos Jr sa pagbibigay nito ng hindi sustenableng ayuda para sa pamumulitika nito at propagandang militar. Sa gitna ng sakuna, idineklara pa ng 303rd IBde na hindi nito ititigil ang mga operasyong kombat sa mga apektadong komunidad. Sa ilang pagkakataon, ginamit pa ng mga sundalo ang pamamahagi ng ayuda para sapilitang “pasukuin” ang mga sibilyan.

Pagsabog ng Bulkang Kanlaon, tinugunan ng BHB-Negros