Balita

4 na sibilyang pinaratangang Pulang mandirigma, nakalaya na

,

Nakalaya noong Pebrero 6 si Rommel Nuñez, isang sibilyang dinakip, tinortyur at ikinulong sa paratang na siya’y isang Pulang mandirigma matapos ang pitong taong pagkakabilanggo. Una nang nakalaya noong Enero 31 sina George Bruce, Jose Nayve at Armando Matres na kasama niyang dinakip at sinampahan ng gawa-gawang kaso.

Ang apat na kinilala bilang “Cavite 4” ay dinakip at sinampahan ng gawa-gawang kaso ng illegal possesion of firearms at maliciious mischief. Ibinasura ang naturang mga kaso ng Taguig Regional Trial Court noong Enero 26.

Pinaunlakan ng korte ang mosyon ng abugado ng apat ng mabilis na pagpapalaya lalupa’t matagal nang nakapiit ang apat. Si Nayve noo’y tumatayong koordineytor ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Cavite. Sina Nuñez at Matres ay mga manggagawa sa konstruksyon habang drayber si Bruce.

Hinuli ang apat noong Nobyembre 23, 2015 sa isang peryahan sa Barangay Manggahan, General Trias, Cavite matapos makarining sila ng mga putok sa paligid. Pinaratangan sila ng mga pulis na sila ang nagpaputok. Binugbog ang apat at isinailalim sa matinding tortyur habang inakusahang mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan.

AB: 4 na sibilyang pinaratangang Pulang mandirigma, nakalaya na