Antas ng sahod sa NCR, pinakamababa sa nakaraang dekada

This article is available in English

Mas mababa ngayon ang tunay na halaga ng sahod sa National Capital Region (NCR), kumpara sa unang taon ng rehimen ni Benigno Aquino III noong 2016. Ayon sa Ibon Foundation, ang tunay na halaga ngayon ng minimum na sahod na ₱610 sa pambansang kabisera ay ₱510 lamang, dahil sa walang awat na pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin at pagtaas ng singil ng batayang mga yutilidad.

Kumpara rito, nasa ₱538 ang tunay na halaga ng sahod noong 2016. Sa gayon, 7% na mas mababa ang tunay na halaga ng sahod ngayon kumpara noon, ayon sa Ibon.

Sa nakaraang 34 taon, hindi nakaagapay ang pagtaas ng sahod sa NCR sa implasyon. Ang tunay na halaga ng sahod ngayon ay halos pareho lamang sa tunay na halaga ng sahod noong 1989, kung saan ₱89 lamang ang minimum na sahod sa rehiyon.

Hirap ang mga manggagawa at kanilang mga pamilya sa antas-kahirapang sahod at kailangan ang kagyat na malaking dagdag-sahod para mabigyan sila ng alwan sa tumataas na gastos ng mga bilihin at serbisyo, ayon sa grupo. Ang kasalukuyang minimum na sahod sa NCR ay kalahati lamang sa family living wage na ₱1,197 (Mayo 2024) para sa isang pamilyang may limang myembro.

Huling-huli ang mga dagdag-sahod kumpara sa pagtaas ng produktibidad ng mga manggagawa, anito. Mula 2000 hanggang 2023, tumaas ang kanilang produktibidad nang 62% habang ang minimum na sahod ay tumaas lamang nang 9%. Ibig sabihin, binabarat ng mga kapitalista ang lakas-paggawa ng mga manggagawa para humuthot ng mas malaki pang kita.

AB: Antas ng sahod sa NCR, pinakamababa sa nakaraang dekada