Ayuda sa mga magsasaka sa Batangas, natulak na ibigay sa gitna ng pagkilos

,

Umabot sa 3,000 magbubukid, sa pangunguna ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas, ang nagtipon sa harap ng upisina ng Social Welfare and Development (SWAD) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batangas City noong Hulyo 10 para igiit ang pamamahagi ng ayuda na nakalaan para sa kanila.

Hindi ipinamahagi ang ayuda at ilang beses pang pinaayos ang mga dokumento ng mga magbubukid. Naantala pa ang pagbibigay dahil hinihintay pa diumano ng SWAD na malibre si House Speaker Martin Romualdez para sa pagbibigay nito. Resulta ng pagkilos, napamahagi ang ₱10,000 ayuda sa araw ding iyon. Panlimang bats na ng mga magbubukid ang nabigyan ng ayuda.

“Pagbati sa lahat ng mga kasapi ng SUGAR dahil sa malaking tagumpay ang ginawa nating sama-samang pagkilos,” pahayag ng SUGAR sa araw ng pamamahagi. “Patunay na sa pagkakaisa nating magtutubó ay maipagtatagumpay natin ang ating mga kahingian tulad ng pinatagal ng ₱10,000 ayuda.”

Panawagan nila kay Romualdez na tuparin na niya ang ayudang ipinangako sa 12,000 benepisyaryo.

“Pinatagal na ito nang mahigit isang taon, huwag na ninyong patagalin pa,” pahayag ng grupo.

AB: Ayuda sa mga magsasaka sa Batangas, natulak na ibigay sa gitna ng pagkilos