Mga organisasyon masa sa Southern Tagalog, nagprotesta para sa Palestine

, ,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nagsama-sama ang iba’t-ibang organisasyong masa sa University of the Philippines (UP)-Los Baños kahapon, Mayo 30, para suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Palestino laban sa kampanyang henosidyo ng Zionistang Israel na suportado ng imperyalistang US.

Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Timog Katagalugan ang kilos-protesta ng mga grupo sa loob UP Los Baños kahapon. Sinundan ang protesta ng gabi ng pakikiisa kung saan nagtanghal ang iba’t ibang sektor at grupo.

Giit nilang itigil na ng Israel ang pambobomba at pag-atake nito sa Gaza na pumatay sa hindi bababa sa 36,000 (na kinabibilangan ng 15,000 bata), nakasugat sa halos 82,000 at nagpalayas sa daan-daanlibong Palestino simula Oktubre 7, 2023.

Pinakahuli sa mga kriminal na pag-atake ng Israel ang pambobomba nito sa dapat ay “ligtas na lugar” ng al-Mawasi na malapit sa timog na syudad ng Rafah. Dalawang beses itong inatake ng pwersang militar ng Israel, noong Mayo 26 at Mayo 28. Hindi bababa sa 45 ang napatay sa mga pag-atakeng ito, kabilang ang 23 babae, bata at matanda.

Samantala, sunud-sunod rin ang pag-atake nito sa ilang komunidad sa hilagang Gaza kahapon, Mayo 30. Ayon sa mga ulat, siyam katao ang namatay sa pag-atake sa isang bahay sa Beit Hanoon.

Umigting din nitong mga nagdaang araw ang mga pag-atake ng Israel sa mga komunidad ng Palestino sa loob ng West Bank.

AB: Mga organisasyon masa sa Southern Tagalog, nagprotesta para sa Palestine