Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Batangas Gold Project: Ginto para sa dayuhan, delubyo sa mamamayan
November 08, 2023

“Sa inyo ang ginto, sa amin ang guho!” Ito ang sigaw ng pagtutol ng mamamayan ng bayan ng Lobo, Batangas sa proyektong minang isasagawa ng Bluebird Merchant Ventures Inc., katuwang ang Mindoro Resources Limited Inc. na siyang nagsasagawa ng eksplorasyon at lokal na kumpanyang Alpha Diggers Inc. Noong Setyembre 2022 ay inianunsyo ng kumpanya ang pagpayag ng Department […]

Kumpanyang kwari sa Quezon, pinarusahan ng BHB
November 08, 2023

Winasak at sinilaban ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon ang dalawang dump truck na gamit ng kumpanyang kwari sa bayan ng Unisan kaninang ala-una nang madaling araw. Pag-aari ang mga ito ni Ronald Agoncillo, kontraktor ng mga proyektong pang-imprastruktura sa Quezon. Naghahakot ang naturang mga trak ng buhangin, bato, graba at lupa na nagmumula sa mga […]

Mga Pilipino sa US, lumahok sa 300,000 nagprotesta para sa Palestine
November 08, 2023

Ilandaang Pilipino ang lumahok sa inilunsd na pambansang martsa na tinawag na National March on Washington for a Free Palestine na isinagawa sa Washington DC sa US noong Nobyembre 4. Tinatayang 300,000 ang lumahok sa naturang martsa mula sa mahigit 300 organisasyon para ipanawagan ang paglaya ng Palestine, pagpapatigil sa henosidyo ng Israel sa Gaza […]

Balitang engkwentro sa Negros Occidental, pinasinungalingan
November 08, 2023

Pinasinungalingan ngayong araw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros ang pinalalabas na engkwentro ng 15th IB sa isang yunit ng hukbong bayan sa Barangay Yaoyao, Cauayan, Negros Occidental noong Nobyembre 7. Kinumpirma ng grupo sa karapatang-tao na September 21 Movement-South Negros na parehong sibilyan ang pinaslang ng 15th IB. “Walang engkwentrong naganap,”ayon sa September 21 […]

Operasyon sabit sa Antipolo City, isinagawa ng NDF-Rizal
November 07, 2023

Matagumpay na naisagawa ng mga pwersa ng National Democratic Front-Rizal ang mabilisang pagsasabit ng balatengga sa Antipolo City noong Nobyembre 5. Nakasulat sa balatengga o istrimer ang pangalan ng mga martir na mandirigma ng Narciso Antazo Aramil Command ng Bagong Hukbong Bayan-Rizal. Pinarangalan ng NDF-Rizal sina Ermin Bellen (Ka Romano), Lucio Simporoso (Ka Bisaya) at […]

Magsasaka, pinaslang ng ahente ng AFP sa Sorsogon
November 07, 2023

Pinatay ng mga bayarang ahente ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magsasakang si Arnel Halum noong Nobyembre 5 sa Sityo Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran, Sorsogon. Tumutulong siya sa kanyang bayaw sa pagbubunot ng niyog sa panahong iyon. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual at […]

Libu-libong tropang US, namamalagi sa Pilipinas sa tabing ng mga war game
November 07, 2023

Sa darating na Nobyembre 9, ilulunsad ng US, sa pamumuno ng Marine Rotational Force—Southeast Asia (MRF-SEA) nito, ang war game na Kamandag. Lalahukan ito ng 1,800 tropa mula sa Pilipinas, US, South Korea at Japan. Isasagawa ang mga pagsasanay sa Palawan, Batanes, Zamboanga at Tawi-Tawi. Huli lamang ito sa daan-daang aktibidad at operasyong militar na […]

Hustisya, giit ng mga grupo sa pagpatay sa brodkaster sa Misamis Occidental
November 06, 2023

Sama-samang nagprotesta at nagtirik ng kandila ang mga grupo ng mamamahayag at estudyante sa harap ng Commission on Human Rights sa Quezon City kahapon, Nobyembre 5, para manawagan ng hustisya sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon. Si Jumalon, batikang brodkaster sa radyo sa Misamis Occidental, ay binaril at napatay sa kanyang bahay sa […]

Pag-uwi ng mga Pilipino na nasa Gaza, naudlot dahil sa pambobomba ng Israel
November 06, 2023

Naudlot ang pag-uwi ng 20 Pilipino na nasa Gaza nang bombahin ng Zionistang Israel ang ilang ambulansya sa Rafa Crossing, sa hangganan ng Gaza at Egypt, noong Nobyembre 5. Nasa hangganang iyon ang ilang Pilipino nang bigla itong isara. Kasama rito ang dalawang buntis at ilang menor-de-edad at isang buwang sanggol. Nakatakda sana silang lumabas […]

Mga manggagawa sa Nexperia, muling nagprotesta
November 05, 2023

Muling nagprotesta ang daan-daang manggagawa sa pangunguna ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union noong Nobyembre 4 para tutulan ang mga paglabag sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) at kundenahin ang tanggalan na isinagawa ng kumpanya noong Oktubre 2023. Nagmartsa sila sa loob ng Light Industry and Science Park, Cabuyao, Laguna kung saan matatagpuan ang kanilang […]