Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Protesta kontra-EDCA, inilunsad ng mga Pinoy sa Hong Kong
April 16, 2023

Nagprotesta ang mga migranteng Pilipino sa Hong Kong noong Abril 12 para batikusin ang inilulunsad na Balikatan 2023 na nilalahukan ng mga tropa ng US at Pilipino sa maraming bahagi ng Pilipinas. Ayon sa International League of Peoples’ Struggle – Hong Kong and Macau, ang inilulunsad na ehersisyong militar ay malinaw na “interbensyong militar ng […]

Kapabayaan ng DepEd kaugnay ng benepisyo ng mga guro, kinundena
April 16, 2023

Kinundena ng Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region (ACT-NCR) Union ang kapabayaan ng Department of Education sa paghahanda ng mga papeles na kinakailangan para maibigay na ang Performance-Based Bonus (PBB) ng mga empleyado ng DepEd para sa 2021. Hindi pa naisusumite ng DepEd ang kinakailangang ulat kahit noong pang Enero 26 sinabihan ang ahensya na […]

Tinanggal na mga empleyado ng BACIWA, nagprotesta sa Quezon City
April 16, 2023

Nagtungo sa upisina ng Civil Service Commission (CSC) sa Quezon City noong Abril 12 ang mga empleyado ng Bacolod City Water District (BACIWA) na iligal na sinisante para iprotesta ang mabagal na pag-usad ng kaso ng kanilang reinstatement o pagbabalik sa trabaho. Tinanggal ang 59 empleyado ng BACIWA noong Disyembre 2020 matapos ang pribatisasyon at […]

Mga residenteng nagbarikada kontra mina sa Palawan, inaresto
April 16, 2023

Anim na residente ng Brooke’s Point, Palawan na kalahok sa barikadang bayan kontra sa pagmimina ng Ipilan Mining Corporation (IMC) ang iligal na inaresto ng mga pulis noong Abril 14. Bago nito, marahas na kinaladkad pa ng pribadong maton ng kumpanya ang mga residente bago ikinulong ng pulis. Ayon sa grupong Alyansa Tigil Mina, “kasuklam-suklam […]

Protesta para sa dagdag sahod, ikinasa sa Monumento
April 16, 2023

Naglunsad ng protesta ng iba’t ibang mga grupo ng mangggawa at ibang sektor sa Monumento sa Caloocan noong Abril 15 para igiit ang dagdag na sahod ng mga manggagawa at pagtatanggol sa kanilang mga karapatan. Ayon sa Anakbayan South Caloocan, ang naganap na protesta ay bahagi ng “Payday Protest” at bahagi ng paghahanda para sa […]

Mga residente at katutubo sa Negros Oriental, nagprotesta kontra kumpanyang mina
April 16, 2023

Nagtipon at nagprotesta ang mga grupo, katutubo, residente at ilang upisyal ng lokal na gubyerno para tutulan ang pagmimina ng Midan Corporation sa Sityo Tarug, Barangay San Francisco, Santa Catalina, Negros Oriental noong Abril 12. Ayon ito sa ulat ng isang lokal na alternatibong midya. Ayon sa ulat, nanawagan ang mga residente na itigil ang […]

Mag-asawang magsasaka, inaresto ng 62nd IB
April 16, 2023

Hindi makatarungang inaresto ng mga sundalo ng 62nd IB ang mag-asawang magsasaka na sina Jerry Montefalcon, 49, at Maricel Alper sa kanilang tinutuluyang bahay sa Sityo Natuling, Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental nong Abril 15. Sinugod ng mga sundalo ang bahay ng pamilya bandang alas-4 ng madaling araw, sa katahimikan ng komunidad at panahon […]

Bilhin ang bigas sa magsasaka, di sa ibang bansa, giit ng mga grupo sa NFA
April 15, 2023

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Amihan National Federation of Peasant Women at grupong Bantay Bigas ang mungkahi ng National Food Authority (NFA) na mag-import ng 330,000 metriko toneladang (MT) bigas para punan ang tinatayang kakulangan ng lokal na produksyon ng bigas. Kaugnay ito ng napipintong kakulangan sa nakaimbak na bigas sa bansa. Dapat sapat […]

Posibleng epekto ng El Niño, dapat paghandaan—mga magsasaka
April 15, 2023

Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Department of Agriculture (DA) at gubyernong Marcos Jr na kagyat na maglatag ng programa bilang paghahanda at pag-agapay sa posibleng maging epekto ng tatamang El Niño sa bansa. Inaasahang hahagupit ang El Nino sa huling hati ng taon. Ayon sa KMP, dapat magbuo ng plano ang gubyerno […]

Pagbisita ni US President Biden sa Ireland, binatikos
April 15, 2023

Nagprotesta sa Dublin, Ireland ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Anti-Imperialist Action Ireland (AIAI) noong Abril 12 kaugnay ng pagbisita ni US President Joe Biden. Ayon sa AIAI, ang pagbisita ng punong hepe ng imperyalistang US ay bahagi ng pagdadawit sa Ireland para maging bahagi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at hatakin sa […]